PH Cup kaya ng 60 araw – Marcial
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
DADAMIHAN ng mga laro kada linggo para mas mabilis matapos ang ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup.
Isang opsiyon pa ng unang Asia’s pay-for-pay hoop ang magkaroon ng apat hanggang limang araw na laro bawat linggo, isa’y may triple-header pa. Kaya maski masagad ang playoffs, hindi abot ng Enero 2021 ang all-Pilipino conference.
“Kasama sa mga kino-consider namin ‘yun para mapadali,” siwalat nitong Biyernes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial. “That way, p’wedeng mag-umpisa ng games as early as Oct. 9, at matapos ng Dec. 10 or 15.”
Mas mabuti ring alternatibo kung maagang makapag-umpisa para mapaglaanan din ng oras kung may delay. Sumulat na sa nakalipas na linggo’y si Marcial, hiniling sa Inter-Agency Task Force ( IATF) na payagan na ang teams na magsagawa ng full scrimmages. Kung may green light na, makakapag-umpisa na ang torneo na tinigil noong March 11 dahil sa coronavirus disease 2019.
“Depende lahat ‘yan sa sagot ng IATF,” wakas na dada ni Marcial. “Kung papayagan tayo na mag-full scrimmages, dalawa hanggang tatlong linggo lang ‘yun and we could play games, hopefully, ng Oct. 9 ang pinakamaaga.” (REC)
-
BASBAS IBINIGAY SA BBM-SARA UNITEAM NG EL SHADDAI
PORMAL nang inendorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan. Naganap ang pagtataas ng kamay […]
-
“People’s Day sa Barangay” caravan, inilunsad sa Valenzuela
UPANG gawing mas malapit at madaling maabot ng mga residente ang iba’t ibang serbisyo ng City Hall, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ‘People’s Day sa Barangay’ caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th anniversary nito. Itinatampok sa caravan ang ilang mga booth at help desk na nag-aalok ng mga libreng social service […]
-
Catriona, nag-react din sa fake news: SHARON, ‘di na nakapagpigil mag-post tungkol sa ‘fake products’ na ini-endorse
HINDI na nga nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na mag-post sa kanyang Instagram account para magpaalala at bigyang linaw na isang malaking ‘fake news’ ang mga kalat na kalat na mga produkto na in-endorse daw niya. Kaya naman, tiyak na gigil na gigil si Mega habang tina-type ang kanyang post na dahil may bago […]