• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senate probe sa ‘pirma sa people’s initiative’ gumulong na

SINIMULAN na Martes ng hapon sa Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na signature drive para sa people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.

 

 

Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.

 

 

Ipina-subpoena si Atty. Anthony Abad na sinasabing nasa likod ng signature campaign.

 

 

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, mahalagang mabunyag at makita ang mga pasimuno sa nasabing signature campaign kahit pa sinuspinde na ng Commission on Elections ang pagtanggap ng mga pirma.

 

 

“Kahit po suspendido ng COMELEC ang pagtanggap ng mga pirma, kailangan pa rin nating bigyang linaw kung paano at sino ang mga nanloko sa ating  mga kababayan para makakalap ng pirma para sa Politician’s Initiative,” ani Dela Rosa.

 

 

Dapat aniyang ma­bigyan ng mukha at ma­kilala ang katauhan ng sinasabing pasimuno sa kampanya.

 

 

“Layon po natin na mabunyag at bigyan ng mukha at katauhan ang mga nagpasimuno ng panlilinlang at pagsasamantalang ito. Sa ­panahon na atin na silang matukoy, siguro ay maa­aring isama ng komiteng ito, sa pangunguna ng a­ting Chairperson, na makabuo ng rekomendasyon na magsampa ng kaukulang mga kaso. Papanagutin natin ang mga mapagsamantala at manloloko,” ani Dela Rosa.

 

 

Binanggit din ni Dela Rosa na hindi na dapat maulit ang nasabing pangyayari kung saan napipilitan ang mga mahihirap na ipagbili ang kanilang lagda kapalit ng konting pera. (Daris Jose)

Other News
  • Joy Belmonte, iba pang nanalo sa Quezon City, pormal nang naiproklama

    KAGABI ay pormal na ring naiproklama ang mga nanalong kandidato sa Quezon City.     Ang proclamation ay pinangunahan nina Atty. Lope de Gayo Jr, chairman Board of canvasser , Atty Vimar Barcellano Vice Chairperson,DOJ at  Dr Jennilyn Rose Corpuz , Member Secretary , Deped.     Muling nasungkit ni reelectionist QC Mayor Joy Belmonte […]

  • “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” WILL GET YOUR BLOOD PUMPING, SAYS DAVID HARBOUR

    DAVID Harbour always knew that director Neill Blomkamp (Elysium, District 9) would bring a genuinely exhilarating feel to Gran Turismo: Based on a True Story. But he didn’t realize how authentic his own experience would be while filming the movie.          “I knew Neill would bring a visceral, blood pumping feel to the movie,” says […]

  • $10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip

    NAKUHA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan.     Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho.     Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung […]