• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa 1st Manila International Film Festival: PIOLO, malakas ang bali-balitang mag-uuwi ng Best Actor award

KASALUKUYANG nasa Amerika ngayon ang Kapamilya aktor na si Piolo Pascual.

 

Ito ay kaugnay sa first Manila International Film Festival na kung saan kasama ang pelikula niyang “Mallari” Malakas ang ugong-ugong na mukhang si Piolo raw ang mag uuwi ng best actor award.

 

Pero para sa mahusay na aktor ay sapat na raw sa kanya na masaksihan na tinangkilik ng mga tao na nasa Amerika ang mga pelikula nila na ipinalabas din sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

Dagdag pa ni Piolo sa isang interview sa kanya bago siya umalis ay umaasa raw siya na kung gaano katagumpay ang MMFF ay ganun din ang MIFF. At base sa narinig namin, isa sa gumawa ng ingay sa MIFF ay ang pelikula nilang “Mallari”. Pasalamat na rin si Piolo sa lahat ng nagtulong-tulong at sumugal para sa naturang pelikula na kung saan isa sa producer ay ang family friend ng mag-asawang Vilma Santos at Finance Secretary Ralph Recto. At least nakabawi na ang producer nila at madagdagan pa ang kinita ng pelikula dahil sa Warner Bros. ang distributor sa abroad na tiyak na maraming lugar pa ang ma pupuntahan ng naturang pelikula.

 

***

 

KUNG may mga natuwa sa pagpapahayag ni Willie Revillame sa desisyon na papasukin na rin ang mundo ng pulitika, marami rin ang hindi sumang-ayon sa desisyon niya.

 

Kasama si Willie sa prayer rally ng mga Duterte na ginanap sa Davao at doon binanggit ng TV host ang intensiyon tumakbo na rin bilang senador sa 2025 Elections. Kumbaga kung sa last national elections ay tumanggi si Willie na mapabilang sa mga senatoriables ng Unity Team ngayon ay decided na raw siya na mapabilang sa binubuo ngayong partido ng mga Duterte, huh!

 

 

Pero aware naman si Willie na may taong malalapit sa kanya na tutol sa pagpasok niya sa pulitika at isa na rito ang nanay-nanayan ng lahat na si Cristy Fermin. Naglabasan din ang komento ng ilang taga showbiz na hindi raw nila isasama ang TV host sa ini-endorsong senador sa darating na local elections.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Olympic ring pansamantalang tinanggal sa Eiffel Tower

    PANSAMANTALANG tinanggal ng Paris ang Olympics logo na unang inilagay sa Eiffel Tower. Kasunod ito sa batikos na pagtalapastangan umano sa iconic landmark ng Paris na Eiffel tower. Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na magsasagawa na lamang ito ng bagong Olympic rings at ibabalik ito sa sikat na landmark. Inilagay nito ang nasabing Olylmpic […]

  • Eduard Folayang umalis na sa Team Lakay

    Nagpasya si Pinoy mixed martial arts Eduard Folayang na umalis na sa TEam Lakay.   Sa kaniyang social media ay kinumpirma ang pag-alis na sa nasabing grupo matapos ang 16 na taon.   Pinasalamatan ng dating two-time ONE lightweight champion ang kaniyang partnership sa Benguet-based MMA gym ganun din sa founder at dating coach nito […]

  • Ilang transmission lines sa Visayas, Mindanao na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette naibalik na – NGCP

    Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines ang ilan sa mga transmission lines na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette kamakailan.     Ayon sa NGCP, naibalik na ang mga sumusunod na transmission lines hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali:   Visayas: San Jose-Culasi 69kV Line Date/Time Out: 16 December 2021 / 9:33PM Date/Time […]