SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil sa kakulangan ng basehan. Ito ang wika ni SC spokesman Brian Keith Hosaka.
Sa petition na inihain ni Gadon noong August 27, sinabi niya na ang dating senator Benigno Aquino III ay hindi maaaring maging isang bayani kung kaya’t hindi dapat pinangalan ang airport sa kanya.
Kung kaya’t hiningi niya sa SC na ipahayag na ang Republic Act 6639 ay null at void dahil ang decision sa pagbabago ng pangalan ng country’s main gateway ay hindi sangayon sa guidelines ng National Historical Commission of the Philippines na ang isang public place ay bibigyan ng pangalan o renamed dahil sa isang tao within 10 years ng kanyang kamatayan maliban lamang kung “high reasons.”
Si Aquino ay pinatay sa tarmac ng MIA noong August 21, 1983. Ang nasabing batas ay ginawa noong November 27, 2987 upang bigyan ng honor ang nasabing statesman.
“The 8th Congress has abused its discretion in passing the shortest law in history. It was the shortest law in the country with only 44 words, including the title. The law was created for the purpose of political name recall,” ayon kay Gadon
Ayon kay Gadon kanyang nirerespito ang desisyon ng SC subalit nalulungkot siya dahil hindi pinahalagayan ng justices ang essence ng kanyang petition. (LASACMAR)
-
Nais rin na i-explore ang pagiging aktor: JUSTIN ng ‘SB19’, magso-solo muna sa pag-launch ng first single
NAKU my dear editor Rohn Romulo, nakahihinayang na hindi tayo naging bahagi sa solo event ni Justin de Dios ng paborito kong boy group na SB19! Magso-solo muna yata si Justin with his first solo single na ‘Surreal’ na nagkaroon ng grand launch kamakailan somewhere. Ipinapanood raw ang music video ng […]
-
Ads June 17, 2021
-
Marcos Jr. , ipagpapatuloy ang vlogging kahit pa Pangulo na ng bansa
SINABI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit pa magsimula na ang kanyang trabaho at tungkulin bilang bagong Pangulo ng bansa sa Hunyo 30. Sa kanyang pinakabagong YouTube video, araw ng Sabado, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang paggamit sa nasabing platform upang manatiling updated ang […]