• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaki ang naitulong sa kanyang showbiz career: PIOLO, nagbigay ng pasasalamat at papuri kay DEO ENDRINAL

NAGBIGAY na rin ng kanyang pasasalamat at pamamaalam ang award-winning actor na si Piolo Pascual sa pumanaw na Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.

 

 

Si Deo raw ang nagturo sa kanya na maging humble and patient sa kanyang trabaho.

 

 

“That is one thing sinasabi niya, you have to remain grounded, patient, dedicated, and you have to remain humble. Ito traits magpapa-last sayo sa industriya.

 

 

“If there is one thing na-instill ni Tito Deo sa akin is you have to work hard. Walang nakukuha overnight. Whatever success, whatever fame, you have to work hard for it.”

 

 

 

Malaking tulong daw si Deo sa pag-navigate sa kanya sa competitive showbiz industry.

 

“Tito Deo was always like a mentor to me when I started out in ABS in the 90s. He was one of the guys planning what shows I am going to do, what roles to accept. He was already planning for like The Hunks, ASAP, with my shows as well.

 

“When you talk to him, no matter what you do, if you say yes to him — hind ka niya papabayaan. Yun maganda kay Tito Deo. Even with Dreamscape, kahit ayaw mo gumawa ng TV, pag siya nag-pitch, rest assured maganda proyekto mo. He has always looked out for me like the rest of everyone here.

 

“Alam mo kahit ano manyare, with him around, he is your ally. Pagtatangol ka niya and he will protect you talaga. Hindi ka niya papahamak. Bihira ganong tao.”

 

 

 

***

 

 

 

NI-LAUNCH na ang bagong Sparkles Kilig Loveteams at kasama rito ang PrYce tandem nila Princess Aliyah at Bryce Eusebio.

 

 

 

Bukod sa kasama ang PrYce loveteam sa inspirational teleserye na Forever Young kunsaan bida si Euwenn Mikaell, mapapanood sila sa TikTok Kilig Series na Beyond The Game on February 16 to 22 sa kanilang official TikTok account.

 

 

 

Dumaan sa chemistry workshop sina Princess at Bryce para mas maging kumportable sila sa isa’t isa bilang loveteam. Ang one thing na in common nila ay ang music. Si Princess ay singer at dancer naman si Bryce.

 

 

 

Ang isa pang pair na ni-launch ay sina Ashley Sarmiento at Marco Masa or AshCo. Napapanood sila sa primetime series na ‘Black Rider’ at sa TikTok Kilig Series na ‘Secret Notes’ on February 8 to 14.

 

 

 

***

 

 

 

KINASUHAN ang ‘Squid Game’ actor na si Oh Young-soo with sexual misdemeanor at puwede siyang makulong ng isang taon kung papatunayan na guilty siya.

 

 

 

Ayon sa report ng Korea JoongAng Daily: “The 79-year-old actor was indicted in November 2022, when a former theater group member claimed that in 2017, Oh Young-soo groped and kissed her while they were outside. The prosecutors claimed Oh “expressed his desire for youth in an inappropriate way” while he and the victim were drinking together in 2017.”

 

 

 

Binabulaanan ng aktor ang binibintang sa kanya na sexual assault noong humarap siya sa first trial noong February 2022.

 

 

 

“It’s so painful and hard to stand in this court at this age like this. It is miserable that the last chapter of my life is ending in such a way, making my whole life fall apart,” sinabi ng aktor na muling haharap sa korte on March 15.

 

 

 

Si Oh Young-soo ang first Korean actor to win a Golden Globe Award noong 2022. Nanalo siya bilang best supporting actor para sa Squid Game.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Sa first BL Tiktok series ng Puregold Channel: KYCH at MICHAEL, magpapakilig agad sa una nilang pagtatagpo sa ‘My Plantito’

    HUMANDA na sa kakaibang rollercoaster ride ng tawa, kilig, at nakatutunaw ng puso na mga kaganapan, sa pagsisimula ng pinakabagong Tiktok serye ng Puregold Channel, ang My Plantito, simula sa Agosto 23.       Magsisimula ang kuwento sa unang pagkikita ng isang tahimik at tila mahiyaing lalaki na mahal na mahal ang kaniyang mga halaman; at […]

  • Laro’t Saya sa Parke binalik ng Philippine Sports Commission

    Optimistiko sina Laro’t Saya sa Parke Program Manager Dr. Lauro ‘Larry’ Domingo at may pasimuno ng proyekto na si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr na babalik ang sigla ng mga komunidad sa grassroots sports matapos ang mahigit dalawang taong tengga sanhi ng pandemya.     Nasilip ito ng dalawang opisyal kasama si LSP […]

  • 2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP

    PUSPUSAN na ang pag­hahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang ma­tagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.     Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang […]