• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nasa collegiate athletes sa UAAP, binigyan na ng go signal ng IATF para makapag-praktis

PUWEDE  nang makapag- ensayo ang mga koponan na kabilang sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.

 

Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpa- praktis ng mga student athletes ng Collegiate athletics association.

 

“Iyong mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ayon kay Presidential spokeperson Harry Roque.

 

Ani Sec. Roque na saklaw ng IATF approval ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

 

Kaugnay nito’y sinabi ni Sec. Roque na kailangan pang maglabas  ng guidelines ang Commission on Higher Education o CHED tungkol dito.

 

“pinapayagan na po ang training ng mga student athletes ng collegiate athletics associations subject sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education,” aniya pa rin.

 

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersiya sa ginawang pagpapraktis ng UST basketball team na growling tigers sa Sorsogon na nauwi sa pagsisiyasat. (Daris Jose)

Other News
  • Filipino-Japanese Judoka Kiyomi Watanabe hindi makakasama sa 31st SEA Games

    Hindi makakasama si Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam.     Sinabi ni Philippine Judo Federation secretary-general Dave Carter na hindi pa gaanong gumaling si Watanabe mula sa kaniyang injury.     Dagdag pa nito na patuloy ang paggaling ng 25-anyos na Japan-based judoka mula sa anterior […]

  • Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo

      ISANG dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y tumanggap ng suhol para tulungang makalabas ng bansa sina dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at ang kanyang mga kapatid kahit na nasa ilalim na sila ng immigration lookout bulletin.     Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations at […]

  • Piñol, magsisilbi bilang food security adviser kay incoming NSA Clarita Carlos

    NAPILI si dating  Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol para magsilbi bilang  food security adviser  kay incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos.     “Yes . Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol.     Ani  Piñol, sinang-ayunan […]