Beda may bala na panlaban sa Letran
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.
Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.
Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan.
“Alam natin na Letran is the defending champion so we are trying to redeem ourselves that we loss the crown last year,” bigkas kamakalawa ng counterpart ni Tan na si Teodorico (Boyet) Fernandez III.
Nawala na sa bakuran ng SBU sina seniors Clint Doliquez at AC Soberano na mga umakyat na sa Philippine Basketball Association (PBA), pero hinirit ng Beda coach na may mga alas pa rin siya para ipambala sa karibal a nalalapit na pagbubukas ng ika-96 na edisyon nang pinakamatagal ng liga ng kolehiyo sa bansa.
“We have,” giit na ng 49-anyos na tactician hinggil sa mga bagong recruit. “Medyo marami-rami nga, pero we are holding that for now kasi nga gusto naming i-secure.”
Mangunguna sa mga mga bagong salta pero palaban sa pulang leon ang Red Cubs champions o nakatapos na ng haiskul na sina Rhayyan Amasali, Winston Ynot, Justine Sanchez at Yukien Andrada.
Pero may mga nakuha ring matitinik na rekrut ang Knights sa pangunguna naman ni Rhens Joseph Abando na lumayas ng University of Santo Tomas Growling Tigers men’s basketball team ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Si Amsali ay beterano ng international competition sa pagiging miyembro datin ng Batang Gilas PIlipinas.
Pihadong magandang bakbakan iyan kapag natuloy ang liga sa pagkawala ng Covid-19.
Abangan po natin mga mahal kong mambabasa ng People’s Balita.
-
P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank
INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya. Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises. […]
-
TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK
KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]
-
P1.4 B MRT 4 tuloy na
Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4). Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. […]