• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

51 LONG-TERM PARTNERS KINASAL SA LIBRENG KASALAN BAYAN SA NAVOTAS

UMABOT sa 51 long-term partners ang nagpakasal sa mass wedding na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco na sinaksihan ni Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at mga miyembro ng konseho ng lungsod.

 

 

Ang Kasalang Bayan, na regular na ginagawa sa Araw ng mga Puso at sa anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas, ay naglalayong gawing legal ang pagsasama ng mga mag-asawa na magkasamang naninirahan.

 

 

“Most of our newlyweds have been together for years and we are honored to help them finally realize their dream of making their union legal and complete,” ani Cong. Tiangco.

 

 

“We hope this ceremony will lead to stronger and healthier relationship between our couples.  Patunayan po ninyo sa lahat na mayroon talagang forever,” dagdag niya.

 

 

Sina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa sa mga bagong kasal. 41-taon na silang nagsasama at nabiyayaan ng anim na anak.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Mayor Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod para makatulong sa kanilang pamilya.

 

 

“We give priority to improving the status of Navoteño families. Well-functioning families make strong communities,” ani Mayor John Rey.

 

 

“Importante po ang papel ninyo sa patuloy na pagtaas ng antas ng buhay sa ating lungsod. Nurture your children and guide them into becoming upstanding and productive members of our society,” dagdag niya. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Tanong niya, “Lord what I have done to deserve this kind of love’: MAINE, ginawang ‘prinsesa’ ni ARJO sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga

    LAST Sunday, August 28, after one month ng kanilang pinag-usapang engagement, sabay na nag-post ng isang nakaka-touch na video sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kani-kanilang Instagram account.   Nilagyan nila ito ng caption na, Been a month and it still feels surreal. Me and you, what a feeling. 💍”     Mapapanood nga […]

  • Philippines coast, inilagay sa ilalim ng Dark Vessel detection system ng Canada

    PINAYAGAN na ang Ottawa, Canada  na tulungan ang Maynila na i-monitor ang coastal waters at high seas nito gamit ang  Canadian satellite surveillance program.     Ito’y matapos na kapwa  tintahan ng Pilipinas at  Canada ang isang kasunduan ukol dito.     Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Dark Vessel program ng Canada […]

  • AARON TAYLOR-JOHNSON, BRIAN TYREE HENRY ARE THE TWIN ASSASSINS IN “BULLET TRAIN”

    AARON Taylor-Johnson (Avengers: Age of Ultron, upcoming Kraven The Hunter) and Brian Tyree Henry (Marvel’s The Eternals) star as lethal assassins called The Twins in Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, in Philippine cinemas August 3.       [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/Eku2gerbnMc]       Bullet Train brings together seven characters, […]