• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa. 
Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary.
Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa CNN, sa pamamagitan ng mga nakaka-inspire na kuwento ng kababayan nating salat sa buhay pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
“Iba po itong programa natin dahil tumutulong po tayo sa mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili,” paliwanag ni Sam.
Ayon pa rin sa mambabatas ay gagawin daw nilang mas memorable ang episode ng anibersaryo, kung saan nagbigay-sorpresa si Rhian Ramos.
Si Rhian ang pinakamalapit na babae kay Sam at ang aktres ang  host ng episode. Kung kaya nakadagdag daw para panoorin ng mga televiewers ang “Dear SV”, huh!
Sa buong episode, ang mga indibidwal na natulungang mabago ang buhay ni SV ay nagbahagi ng kanilang taos-pusong papuri at pasasalamat sa pamamagitan ng mga nakaka touch na video messages.
Hindi napigilang tumulo ang luha ni SV habang nakatutok sa mga emosyonal na testimonial, na nagpapatibay sa positibong epekto na naidulot ng show sa ating mga kababayan sa loob ng isang taon.
Ang “Dear SV” ay magpapatuloy na tumulong at bumabo ng buhay ng mga kababayan natin, nananatiling tapat si Sam “SV” Verzosa sa paglikha ng programa na magbibigay inspirasyon at pagasa sa mga tao.
“Mas lalo pang lumalim ang dahilan ko para ipagpatuloy ang Dear SV. Magandang regalo sa akin ito hindi lang dahil nandito si Rhian kundi pati na din sa mga taong natulungan natin.
“Tunay na nakatataba ng puso na makita silang umaahon at patuloy na lumalaban sa buhay dahil lang sa munting tulong na naibigay ko,” mensahe pa niya.
Ang “Dear SV” ay mapapanood tuwing Sabado 11:30 pm sa GMA 7 at online.
***
NATUPAD ang plano ni Luis na gawing tahimik at solemn ang church wedding ng asawang si Jessy Mendiola.
Sa isang simbahan sa Coron, Palawan naganap ang kasalan nung Huwebes Feb. 15, 2024.
Bukod tanging saksi sa kasalang naganap ang malalapit na pamilya at ilang piling piling kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Kung hindi nakadalo sa kanilang garden wedding na ginanap sa San Benito Farm sa Batangas last Feb. 21, 2021 ay present this time sa kanilang church wedding ang pamilya ni Jessy, huh!
Siyempre kumpleto pa rin ang pamilya ni Luis sa pangunguna ng inang Star for All Seasons Vilma Santos, amang Edu Manzano, step father na si Sec. Ralph Recto ang kapatid na si Ryan Christian.
Kabilang naman sa principal sponsors sina ABS-CBN Chief Executive and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at ang manager ni Luis na si June Rufino.
Sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na nagsilbing secondary sponsors ng dalawa.
Congratulations Luis and Jessy!
(JIMI ESCALA) 
Other News
  • Nagtapos na ang limited guest engagement: VINA, isa nang legit na ‘broadway actor’ dahil sa ‘Here Lies Love’

    NATAPOS na nga ang limited guest engagement ni Vina Morales bilang Aurora Aquino sa hit Broadway musical na “Here Lies Love” last Sunday, October 22.     Sa kanyang IG account, nagpaalam si Vina sa musical noong Lunes, October 23, nang mag-upload niya ang isang video kuha sa loob ng kanyang dressing room.     […]

  • Libreng cremation sa Tugatog Cemetery, binuksan ng Malabon LGU

    PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang muling pagbubukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery upang bigyang-daan ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak sa libingan bilang bahagi ng paggunita ng All Saints Day and All Souls Day o Undas 2024.   Nagsagawa ng Banal na Misa ang lokal na pamahalaan para sa […]

  • Pulis binentahan, 2 ‘tulak’ laglag sa drug bust sa Valenzuela

    HINDI inakala ng dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga na pulis ang kanilang nabintahan ng shabu matapos silang madakma sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.           Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ikinasa ng mga operatiba […]