• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, tinitingnan ang pilot run ng bagong SHS curriculum para sa SY 2025-2026

TINITINGNAN ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng revised Senior High School curriculum para sa School Year 2025-2026.

 

 

Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa sidelines ng Chinese-Filipino Business Club Inc. (CFBCI) 13th Biennial National Convention, kung saan siya ang tumayong keynote speaker.

 

 

“Ang target pilot natin for the Senior High School curriculum is next year. So, that’s school year 2025-2026,” ayon sa Bise-Presidente.

 

 

Sinabi rin ni VP Sara sa event ang kahalagahan ng pribadong sektor sa masusing pagrerebisa ng kasalukuyang K-12 program ng DepEd, binigyang-diin kung paano ang kanilang inputs ay maaaring makapag-produce ng “better graduates.”

 

 

“Napakahalaga ng input nila doon sa mga skills na gusto nilang makita sa mga Senior High School graduates natin, sa mga K-12 graduates natin,” anito sabay sabing layon ng K-12 program at gawina ng basic education graduates na “employable” o may trabaho.

 

 

“So, mahalaga iyon na nasasabi ng market ng business community kung ano iyong gusto nilang makitang skills doon sa ating mga graduates,” ang paliwanag ni VP Sara.

 

 

Sa oras na ipinatupad na ang rebisyon sa kasalukuyang curriculum, maaari nang mag-hire o tumanggap ang mga negosyante ng mga graduates.

 

 

Nauna nang inanunsiyo ni VP Sara noong Enero 2023 na plano ng ahensiya na rebisahin ang K-12 curriculum para makapag-produce ng mas maraming job-ready at globally competitive graduates.

 

 

Ani VP Sara, hindi mai-deliver ng programa ang pangako nito na dalhin ng mas maraming trabaho ang mga sa mga graduates.

 

 

Sa kabilang dako, nilikha naman ang task force para suriing mabuti kung ang umiiral na curriculum ay responsible para sa pagrerepaso ng umiiral na program policies “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders.

 

 

Layon din nito ang palakasin ang partnerships sa pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa national at regional levels parai- improve ang kakayahan na mag trabaho ng senior high school graduates.

 

 

Ang K-12 program ay ipinasa sa panahon ng administrasyong Aquino, naglalayon na gawing mas globally competitive ang mga Filipino sa pamamagitan ng di umano’y pinaigting at pinahusay na curriculum para sila’y maging master skills at concepts. (Daris Jose)

Other News
  • Pangako ng DepEd, lagyan ng ‘pananggalang” ang batas na magbabalik sa mandatory ROTC

    NANGAKO ang Department of Education (DepEd)  na makikipagtulungan sa Kongreso na hindi mangyayari ang bullying sakali at maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).     Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, suportado ng departamento ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.   na buhayin ang programa subalit nilinaw na ang gagawing pagbabalik sa ROTC […]

  • Matapos ang mahalagang partisipasyon sa WEF: PBBM, balik-Pinas na

    NAKABALIK na ng Pilipinas si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Sabado matapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.     “I am pleased with the progress we have made during our crucial participation in the World Economic Forum (WEF), a truly global multi-stakeholder platform,” sa kanyang naging talumpati sa Villamor Air […]

  • Pope Francis nagpaabot ng pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyong Agaton

    NAGPAHAYAG ng pagkakaisa at pagkaawa si Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Agaton sa bahagi ng Visayas at Mindanao.     Sa kanyang sulat na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin ang Secretary of State, kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nakasaad doon ang pakikidalamhati ng Santo Papa sa mga biktima ng […]