• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya iwas na mag-comment tungkol kay Atong Ang: SUNSHINE, ‘di na comfortable na pinag-uusapan ang lovelife

HANGGANG ngayon at kahit anong pamimilit ay iniiwasang magbigay ng anumang komento o pahayag ni Sunshine Cruz hinggil sa isyu sa kanilang dalawa ng businessman na si Atong Ang.

 

“Kuya Jimi sorry late reply. Nasabi ko sa mga past interviews na hindi ako comfortable na pinag-uusapan pa ang lovelife ko.

 

“After Macky nangako ako sa sarili ko na hindi na dapat pa nalalaman ng iba ang personal ko,“ padalang mensahe ng magaling na aktres sa amin. May mga nakarating pang balita sa amin na super tiyaga raw sa panliligaw si Atong Ang kay Shine.

 

Ang sabi pa nga ng mga netizen na huwag na raw sana siyang maging choosy at kung ibang aktres pa raw yan ay malamang sinunggaban na raw ng mga ito ang mayamang negosyante. Pero may mga malalapit naman kay Sunshine ang nagbanggit sa amin na ayaw ding magbigay ng anumang pahayag tungkol sa naturang isyu.

 

Hindi raw sila naniniwala na ang nilipatang bagong bahay ngayon ni Sunshine at mga anak niya ay bigay ni Atong Ang.

 

Sa sipag nga naman ni Sunshine at sa walang tigil na buhos ng mga biyayang ibinigay sa kanya ay walang dudang kayang-kaya ng premyadong aktres na makapagpagawa ng isang mansion, huh! At sa totoo lang din naman ay mas maliit sa una nilang bahay ang nilipatan ni Shine at ng tatlo niyang equally beautiful girls.

 

And take note, wala sa isang mamahaling subdivision ang bahay ni Sunshine ngayon na taliwas sa sinasabing kung si Atong ang magre regalo ay tiyak nasa isang kilala at mamahaling subdivision yun, huh!

 

***

 

STILL on Sunshine Cruz, siya ang ginawaran bilang Remarkable Woman of Inspiration and TV Actress of the Year ng Global Trends business leaders awards na ginanap sa Okada hotel nung Martes pero hindi siya nakarating.

 

May prior appointment na raw si Sunshine at hindi naman kaagad siya sinabihan at huli na raw niyang natanggap ang invites. “Hi Kuya Jimi, sorry kahapon lang nagsabi sakin ang management ko. May commitment na ako na natanguan tonight.”

 

Gustong-gusto raw talaga na pumunta ni Sunshine at makapagpasalamat ng personal sa mga taong namamahala ng awards, pero hindi na nagawan ng paraan. “So sorry talaga. It wasn’t sent to ALV management earlier. Sana po napuntahan at nakapag-prepare ako,” sey pa niya. “Please tell them sobrang salamat po. Too bad late na po ako nasabihan.

 

 

May prior commitment po kasi ‘di na ma-cancel,” karagdagang paliwanag pa ni Sunshine.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • WARNER BROS. PICTURES TO RELEASE “THE WANDERING EARTH II” EXCLUSIVELY IN PH CINEMAS

    FOUR years after the worldwide box-office success of the 2019 futuristic blockbuster “The Wandering Earth” comes the prequel “The Wandering Earth II,” to be released by Warner Bros. Pictures exclusively in cinemas in the Philippines on May 31.      Watch the prequel’s trailer here: https://youtu.be/ZCuE5HntgeM     “The Wandering Earth II,” released in China […]

  • ROYCE, inaming ayaw ma-typecast sa nagawang movie at BL series

    SA pagiging talent ng GMA Artist Center, mabibigyan ng iba’t ibang roles na gagampanan ang indie actor na si Royce Cabrera.                   Inamin ni Royce na ayaw niyang ma-typecast sa mga roles na nagawa niya sa pelikula tulad sa F#*@bois at sa BL series na Quaranthings. Mapapanood din siya sa Ben & Jim […]

  • Kahit excited na sa pagiging lola: SYLVIA, tahimik pa rin sa naging pag-amin nina ZANJOE at RIA

    MULING napapanood sa Channel 2 – ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System, ang ‘It’s Showtime.’       So, kahit palabas din ito sa GMA 7 ay kasabay na ring mapapanood sina Vice Ganda and co. sa naturang network.       Walang announcement tungkol ang namamahala ng nabanggit na noontime show at marami ang […]