• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, masusing nakasubaybay sa US presidential race — Amb. Romualdez

MAHIGPIT na nakasubaybay ang Pilipinas sa US presidential para kagyat na makita ang anumang pagbabago sa liderato bilang oportunidad na baguhin ang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinaigting naman ang security engagements sa pagitan ng defense treaty allies sa ilalim ni US President Joe Biden at sa counterpart nito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang ibang lider na masigasig na kontrahin ang nakikita nitong agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea at kalapit na Taiwan.
Ang Pilipinas, dating US colony, ay itinuturing na closest ally ng Washington sa Southeast Asia at ang proximity nito sa Taiwan ay mahalaga sa pagsisikap ng Estados Unidos na kontrahin ang pananalakay ng Tsina sa democratic island na sa tingin nito ay kanilang sariling teritoryo.
“The only challenge that we face, especially for us in the embassy in Washington DC, is what happens in November. It’s a concern for every country who would be the next president … everybody is preparing for that,” ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez.
Sinasabing maaaring harapin ni Biden si Donald Trump, Republican frontrunner para maging presidential candidate ng partido, sa isang rematch sa presidential election sa Nobyembre.
“Any change is always something that we welcome,” dagdag na pahayag ni Romualdez.
“It gives us an opportunity to renew what we’ve already been saying, that our relationship with the United States is an important one, we value it, and we really hope that this is the same feeling that they have for us,” aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • 50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

    AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.     Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy […]

  • Ilang mga sektor ng lipunan, inihanay ni PBBM sa mga tinaguriang makabagong bayani

    ISINAMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Ilang sektor ng lipunan sa hanay ng mga  makabagong bayani. Sa nging mensahe ng Pangulo sa ika-159 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinabi nitong kayang gawin ng bawat isa na maging pinakamahusay na uri ng kanyang sarili. Winika ng Pangulo na magagawa aniya ito katuwang ang […]

  • RAFAEL NADAL nagkampeon sa Australian Open matapos talunin si Daniil Medvedev

    TINANGHAL na kampeonato ng Australian Open si Rafael Nadal matapos talunin si Daniil Medvedev.     Nakuha ng tennis star ng Spain ang scorena 2-6, 6-7, 6-4, 6-4, 7-5 ang Russian tennis star.     Naging kapana-panabik ang laban ng habulin ng 35-anyos na Spain ang dalawang set ng dominado ni Medvedev dahil sa pagpasok […]