PBBM pinagtibay na ang 2 mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at Expanded Centenarian Act
- Published on February 27, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGTIBAY na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang dalawang mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at ang Expanded Centenarian Act na layong bigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior citizen.
Ito’y matapos lagdaan kaninang umaga ng Punong Ehekutibo ang dalawang panukala.
Kabilang sa nilagdaan ng Pang. Marcos ang Republic Act 11982 o Grantin Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, layon ng nasabing batas na iparamdam sa mga senior citizens ang suporta ng gobyerno sa kanilang sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal habang sila ay nabubuhay sa edad na 80 anyos, 85, 90 at 95-anyos.
Nasa P10,000 ang cash assistance na matatanggap ng mga seniors batay sa mga nabanggit na edad.
Ganap na ring batas ang Tatak Pinoy Act o ang RA 11981 na layong magpapalakas sa industrialization ng bansa.
Sinabi ng Pang. Marcos sa ilalim ng nasabing batas, higit pa sa branding exercises ang itataguyod kundi ang pagpapalakas sa pamumuhunan sa mga produktong Filipino na talagang maipagmalaki na gawang Pinoy o trademark ng Pilipinas.
Samantala, hindi natuloy ang paglagda sa isa pang panukala ang Magna carta para sa Seafarers Act.
Ayon kay Sec Garafil patuloy pa na nirerebyu ng Pangulo ang nasabing panukala. (Daris Jose)
-
PBBM, idineklara ang Oktubre 30 bilang “NATIONAL DAY OF CHARITY”
IPINALABAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 598 na nagdedeklara sa Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity.” Ang proklamasyon ang bumubuo ng bahagi ng ‘commitment’ ng administrasyon para i-promote at iangat ang buhay ng bawat Filipino sa “Bagong Pilipinas.” Sa paglagda sa proklamasyon, tinukoy […]
-
Ads June 29, 2024
-
PTFOMS, tinukoy ang 100% media violence resolution sa ilalim ni PBBM
BINIGYANG -DIIN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mayroong itong malakas at maaasahan na partnership sa mga makabuluhang ahensiya ng pamahalaan na may atas na i-promote at protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng mga mamamahayag. Tinukoy ang 100% na case resolution ng karahasan laban sa mga […]