• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte.

 

 

Sinabi ng Pangulo kailanman hindi makakalimutan ang ipinakitang katapangan,kadakilaan at kabayanihan ng anim na sundalo na inalay ang kanilang buhay sa ngalan ng kapayapaan.

 

 

Siniguro ng Presidente na hindi masasayang ang ipinaglaban ng mga nasawing sundalo dahil ipagpapatuloy ng gobyerno ang kanilang laban at sisiguraduhin na mananagot ang mga kalabang ito sa batas.

 

 

Pangako ng Pangulo na makakatanggap ng karampatang tulong mula sa gobyerno ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.

 

 

Inatasan din nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo.

 

 

Kasalukuyang nagpapatuloy ang manhunt operation ng 1st Infantry Division ng Philippine Army. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nakipagpulong kay Blinken, Austin; pinuri ang PH-US alliance sa WPS

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang yumayabong na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa patuloy na katatagan sa West Philippine Sea (WPS) at Indo-Pacific region.         Inihayag ito ng Pangulo, Martes ng umaga nang makapulong niya si US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin […]

  • Controversial docu-film ‘Lost Sabungeros’ premieres in QCinema International Film Festival

    AFTER its controversial cancellation at the 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, the wait is finally over as GMA Public Affairs’ first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros,” is set to have its international premiere at the QCinema International Film Festival this November 9.   Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate the disappearances […]

  • DC SUPERHERO FILM “BLUE BEETLE” DEBUTS OFFICIAL TRAILER

    HE’S a superhero, whether he likes it or not.     Watch the official trailer for “Blue Beetle,” the latest superhero movie from DC and Warner Bros. Pictures. Xolo Maridueña (“Cobra Kai”) plays the titular superhero. Exclusively in cinemas across the Philippines starting August 16.   YouTube: https://youtu.be/4smbJ1NQEmw   Facebook: https://fb.watch/jGHOV_3TFN/   About “Blue Beetle” […]