• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sina Patricia, Sherilyn at Manoy Wilbert: GELLI, sobrang grateful na host ng programang marami ang matutulungan

SA newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, ma-inspire sa mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, simula na ngayong Linggo, ika-3 ng Marso sa GMA-7. 
Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri Partylist Rep. Wilbert T. Lee.
Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa programa ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na tayo mawalan ng pag-asa. “
“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.”
Pagbabahagi naman ni Gelli, “iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya yung usual na kailangan ng pera o pagkain, ang kailangan talaga nila ay ang nakatutulong sa mga trabahong ginagawa na nila.”
Sobrang grateful ni Gelli na maging host ng naturang show, “as a host of a program like this, siyempre grateful ako for the opportunity, hindi lang ako masayang-masaya.
“Dito talaga ng hihimayin ang mga problema ng certain areas at aalamin kung paano sila matutulungan.
“Hindi po kami nagmamagaling, talagang humahanap kami ng tamang solusyon.  Dini-discuss namin with the experts, kung paano namin sila matutulungan.
“It is really something that I am grateful na I am part of the show.”
Tuwing Linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng mga host para interbyuhin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.
Pahayag naman ni Patricia, “sometimes they just want to be seen and heard.
Yung marinig lang natin ay malaking bagay at tulong na para sa kanila.  Pero siyempre di tayo hihinto riyan. Mabusisi nating aaralin ang bawat sitwasyon at susubukan nating bigyan ito ng pangmatagalang mga solusyon.”
Idiniin din ni Sherilyn na, “hindi natin sino-solve ang problema nila at the moment. Binibigyan din natin sila ng hope at chance na itaguyod ang kanilang pamilya o sarili nila. Kumbaga long term talaga at hindi kung ano lang yung mabigay ngayon iyon na.”
Sa pilot episode ngayong Linggo, ika-7 nang umaga ng “Si Manoy ang Ninong Ko”, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.
Para sa updates, i-follow ang @simanpyangninongko sa Facebook o ang @AngNinongKo sa Tiktok at Instagram.
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of […]

  • DHSUD, sinimulan na ang cash distribution sa mga biktima ng ‘Kristine’ sa Albay

    SINIMULAN na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng lalawigan ng Albay kung saan ang mga tirahan ay totally o partially damaged na resulta ng pananalasa ng bagyong “Kristine” .     Sa paunang ulat, 60 pamilya mula sa bayan ng Daraga, isa sa […]

  • “Bagong Bahay, Bagong Buhay!” Valenzuela LGU nag turnover ng housing units sa Laon beneficiaries

    NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan ng Social Housing and Finance Corporation (SFHC) ng blessing at turnover ceremonies ng mga housing unit sa ilalim ng Laon CMP Vertical Housing Project – Phase I para sa mga benepisyaryo ng Laon sa Barangay Veinte Reales.     Pinangunahan nina Mayor Wes Gatchalian, Department of Social […]