• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices

WALA umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakula­ngan ng lagda.

 

“Without a specimen signature on it, the Philip­pine National ID has apparently been rendered useless as a proof of identity for its owner because it does not bear the holder’s signature,” ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.

 

 

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ay isa sa may-akda ng Republic Act (RA) 11055 o ang PhilSys, anim na taon na simula ng maisabatas ito pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay ng kanilang ID.

 

 

Bagaman may multa ang mga hindi kikilalanin ang national ID, ipinunto nito na ang simpleng sagabal sa missing na lagda ‘di tulad ng iba pang mga valid IDs gaya ng passports, driver’s license at iba pa ang sanhi kung bakit nawawalan ng silbi ang PhilSys ID.

 

 

Sa ilalim ng RA 11055  na naisabatas noong Agosto 8, 2018 ang PhilSys national ID ay magsisilbing valid identification na maaring gamitin sa transaksiyon sa negosyo sa gobyerno at ma­ging sa pribadong sektor.

Other News
  • TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

    KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]

  • Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort

    Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield.     Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield.     Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban.     Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]

  • Pagsisimula ng Villar TV Network, matatagalan pa: WILLIE, labis-labis ang pasasalamat dahil nag-negative sa cancer

    LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer.       Ikinagulat daw niya na after two years na hindi siya nakapagpa-executive check-up, because of the pandemic, may nakitang polyps sa kanyang katawan.     Sa kanyang YouTube channel, […]