Nawawalang batang lalaki lumutang sa daluyan ng tubig sa Malabon
- Published on March 2, 2024
- by @peoplesbalita
LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng mga magulang ng 11-anyos na batang lalaki matapos matagpuan nakalutang sa maruming daluyan ng tubig ang bangkay ng bata sa Malabon City, Huwebes ng hapon.
Halos pagsakluban ng langit at lupa ang 28-anyos na ina ng biktimang si alyas “Prince” residente ng St. Gregory Homes (NHA) Brgy Panghulo nang ipabatid sa kanila ang pagkakatagpo sa lumutang na bangkay ng panganay sa tatlong anak dakong alas-2:20 ng hapon sa maruming ilog sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nadiskubre nina Fernando Sañie, 35, at Rolly Dela Cruz, 43, kapuwa residente sa naturang barangay, ang bangkay ng biktima na walang saplot pang-itaas na kaagad nilang ipinagbigay-alam sa barangay.
Napag-alaman na kararating lang mula sa pinapasukang paaralan si Prince Huwebes ng tanghali nang magpaalam sa ina na lalabas lang dakong alas-2 ng hapon matapos kumain ng tanghalian at maligo na madalas namang ginagawa umano ng bata.
Sa post ng kanyang ina sa social media, pinakagabi na aniya ang 7:30 p.m. ang pag-uwi sa bahay ng anak kaya labis na ang kanilang pagkabahala ng lagpas na sa naturang oras ay hindi pa bumabalik ang anak.
Sa social media rin idinaan ng ina ni Prince ang paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng anak na palatandaang may pagdududa sila na may foul play sa pagkamatay ng anak. (Richard Mesa)
-
6’5” Fil-Am swak sa Gilas Women
WALANG tigil si Gilas Pilipinas Women program director Patrick Henry Aquino na tumuklas ng talento para sa asam ng bansa na makaabot sa Summer Olympic Games women’s basketball. Kaya maagap ang kikilalaning 2019 Philippine Sportswriter Association (PSA) Coach of the Year, sa mga nakikitang talento sa hangaring mapalakas ang national women’s quintet. Isa […]
-
P700K droga nasamsam sa Caloocan buy bust, 2 timbog
MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, […]
-
Ibinuking ng kanilang ninong sa kasal: JERICHO at KIM, nakumpirmang 2019 pa naghiwalay
NATULDUKAN na ang matagal nang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones. Ayon sa naging report ng ABS-CBN news sa interview nila sa ninong sa kasal ng mag-asawa na si Ricco Ocampo, inamin nito na noon pang 2019 hiwalay sina Echo at Kim. Pero nanatili silang magkaibigan at nagsusuportahan […]