• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50-ANYOS NA MISTER KINADYOT SA LEEG

SUGATAN ang 50-anyos na lalaki ang matapos tarakan sa leeg ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City.

 

 

Nasa stable na kondisyon habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si alyas “Wilson”, ng M. Blas Brgy. Hulong Duhat.

 

 

Sa pinagsamang imbestigasyon nina PSSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc, galing sa pakikipag-inuman ang biktima at habang naglalakad sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. Flores pauwi nang lapitan ng isang hindi kilalang babae at inalok umano ng sex dakong ala-1:50 ng madaling araw subalit, tumanggi si ‘Wilson’.

 

 

Makalipas ang ilang sandali, bigla na lamang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at walang sabi-sabing tinarakan sa leeg ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon sakay ng isang bisikleta,

 

 

Isinugod naman ng concerned citizen ang biktima sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC hospital habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Kaya pang maghintay hanggang 2026: SHAIRA at EDGAR ALLAN, ‘no sex’ hangga’t hindi pa ikinakasal

    KUMPIRMADONG sa taong 2026 ikakasal sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.   Nilinaw ito mismo ni Shaira nang maging guest siya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ kamakailan.   “2026, opo,” ang sagot ni Shaira sa tanong ni Kuya Boy kung totoong 2026 sila ikakasal.   Nananatili pa ring mahigpit ang paniniwala nina Shaira […]

  • PBA naghahanda na sa restart

    PINAPLANTSA na ng pamu­nuan ng PBA ang lahat ng kakailanganin sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.     Wala pang eksaktong petsa na ibinigay ang PBA kung kailan ang resumption ng liga na posibleng maganap sa apat na v­enues na pinagpipiplian.     Ito ay ang  Smart Araneta […]

  • Boxing superstars superfight: Alvarez vs Golovkin kapwa pasok sa weigh-in

    Tumimbang ng 167.8 pounds o bahagyang mabigat si Gennady “GGG” Golovkin habang mayroong 167.4 lbs. naman si Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang trilogy fight sa Las Vegas bukas, Setyembre 18.     Tiniyak ng 40-anyos na Kazakhstan boxer na hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na talunin na ang Mexican superstar.     Sa […]