• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 pang ruta ng mga PUJs, binuksan sa Metro Manila; higit 1-K jeep, makikinabang

Mahigit 16,000 na ngayon ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) ang balik kalsaa matapos nang payahan ng Land Trnasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 10 ruta dito sa Metro Manila.

 

 

Sa pagbubukas ng mga ruta aabot naman sa 1,006 na otorisadong jeepneys ang bibiyahe sa iba’t ibang ruta.

 

 

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular No. 2020-043 kabilang sa mga rutang papayagang bumiyahe ang T138 Edsa/North Ave.-Quezon City Hall; T139 Marcos Ave.-Quirino Highway via Tandang Sora; T340 Dapitan-Libertad via L. Guinto; T341 Divisoria-Retiro via JA Santos; T342 Divisoria-Sangandaan; T395 Libertad-Washington; T396 Baclaran-Escolta via Jones, L. Guinto; T397 Baclaran-QI via Mabini; T398 Blumentritt-Libertad via Quiapo, Guinto at T399 Blumentritt-Vito Cruz via L. Guinto.

 

 

Mahigpit pa rin naman ang paalala ng LTFRB na huhuliin nila ang mga jeepney na bibiyaheng wala sa mga otorisadong ruta.

Kung maalala, mula noong isailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) noong Hulyo, napatupad agad ang LTFRB ng “calibrated at gradual opening” ng public transportation sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya.

Ang mga jeepney din na papayagan ay ang mga road worthy at susunod sa health protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF).

Other News
  • Pinas ika-20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

    PUMASOK sa ika-20 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa buong mundo.   Ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center, nasa ika-20 ang Pilipinas na may 314, 079.   Sumunod naman sa listahan ang Pakistan na mayroong 312,806 na kaso habang nasa ika-19 na puwesto ang Italy na mayroong […]

  • Kahit may petisyon na mag-resign na sa MTRCB: Chair LALA, cool lang sa isyu at suportado ng 31 board members

    AYON sa aming reliable source, suportado ng 31 board members ng MTRCB (Movie, Television, Review & Classification Board) ang Chairwoman ng MTRCB na si Lala Sotto.     Hindi maitatanggi na siya ang sentro ng galit at sumpa pa mga netizens, partikular na ang mga Kapamilya at avid viewers ng ‘It’s Showtime.’     Ang […]

  • Ads June 28, 2023

    adsjune_282023