• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napiling maging host ng ’71st Miss World’: MEGAN, muling iwawagayway ang bandera ng Pilipinas

MULING iwawagayway ni Megan Young ang bandera ng Pilipinas dahil siya ang napiling maging host ng 71st Miss World.

 

 

Idaraos ang nasabing prestigious beauty competition sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India sa Sabado, March 9.

 

 

May post ang Miss World Organization at kinilala ang husay ni Megan (na nanalong Miss World 2013) bilang aktres, model at host.

 

 

“So excited!!!” ang post ni Megan bilang reaksyon sa papuri sa kanya ng Miss World Organization.

 

 

Ang magiging co-host ni Megan sa Miss World ay ang renowned Indian filmmaker na si Karan Johar.

 

 

Ang kandidata ng Pilipinas ay this year ay si Gwendolyne Fourniol na kasalukuyang umaawra na ng bongga sa pre-pageant activities.

 

 

Top 23 si Gwendolyne sa Miss World Talent Competition.

 

 

at Top 25 sa Head to Head Challenge at nag-qualify naman sa Sports Challenge Final.

 

 

***

 

 

NAGULAT kami sa sinabi ni Patricia Tumulak na hindi pala niya pangarap maging beauty queen bagaman sumali siya rati sa Miss Philipines Earth at sa Binibining Pilipinas.

 

 

“Hindi ko siya pangarap,” lahad ni Patricia, “pangarap ng nanay ko iyon, naibigay ko na yung pangarap niya na makasali ako, tapos na yun!”

 

 

Sumali si Patricia noong 2009 sa Miss Philippines Earth kung saan tinanghal siyang Miss Philippines Fire at si Sandra Seifert ang kinoronahang Miss Philippines Earth.

 

 

Sumali naman siya sa Binibining Pilipinas noong 2011 kung saan pumasok siya sa top top ten at ang mga kasabayan niyang kandidata ay sina Shamcey Supsup, MJ Lastimosa, at Janine Tugonon.

 

 

“Wala, magagaling lahat yun.

 

 

“Wala akong laban dun, deserve nila iyon, sabi ko nga, ‘Ano ba itong sinalihan ko, magagaling lahat sa batch!’

 

 

Sa batch nila ay nanalong Binibining Pilipinas Universe si Shamcey, first runner-up si Janine at second runner-up si MJ.

 

 

At dahil wala nang age limit ang Miss Universe Philippines, may plano ba si Patricia na sumali dito at muling subukan ang kapalaran niya sa pageantry?

 

 

“Ako ay magte-thirty six na,” ang natatawang reaksyon ni Patricia sa tanong namin.

 

 

“Okay na ako, ibigay na natin sa iba.”

 

 

May payo si Patricia sa mga kababaihang nagnanais sumali sa isang beauty contest.

 

 

“Kailangan kapag sumali ka, yung talagang gusto mong manalo, may advocacy ka, at tsaka talagang pangarap mo siya.

 

 

“Ibigay na natin iyon sa iba na willing, kasi commitment din iyang pagsali e,” pahayag pa ni Patricia

 

 

Isa si Patricia sa mga hosts ng bagong weekly morning program ng GMA ang Si Manoy Ang Ninong Kokung saan mga hosts rin sina sa nabanggit na public service show sina Gelli de Belen, Sherilyn Reyes-Tan, at Agri Partylist representative Wilbert Lee.

 

 

Nagsimulang umere noong March 3, mapapanood ang show tuwing Linggo, 7-8 ng umaga.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Angelina Jolie, Reveals the Reason Why She Signed on for MCU’s Upcoming Movie ‘Eternals’

    ANGELINA Jolie reveals why she said yes to Marvel’s Eternals.     The next MCU movie after Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals shifts the focus away from the better known Marvel superheroes and instead introduces a new, eponymous group of superpowered individuals based on Jack Kirby obscure comic book team. The movie navigates the adventures of the titular, immortal […]

  • LRT-2 at MRT-3 may libreng sakay sa mga kababaihan ngayong International Women’s Day

    NAGLAAN ng libreng sakay para sa mga kababaihan ang Light Rail Transit o LRT 2 kahapon araw ng Miyerkoles, Marso 8.     May kaugnayan ito sa pagdiriwang ng International Women’s Day.     Nagsimula ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at babalik ito ng alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. […]

  • Dahil happy naman kahit single: SAMANTHA, ‘di nagwi-wish na magkaroon ng lovelife

    BIRTHDAY ni Samantha Lopez kahapon, October 18, pero hindi kasali sa mga birthday wishes niya ang magkaroon ng lovelife.     Kahit single siya ngayon ay happy naman raw siya.     “You know, kung may darating, kung may ibibigay si God, then, yeah, why not? Pero okay na rin, masaya naman, busy.”     […]