• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglagda ng PH sa Free Trade Agreement sa Australia, New Zealand malaking gain sa agriculture at technology trade – solon

NANINIWALA si House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st District Representative Mark Enverga na malaki ang magiging “gain” sa agriculture and technology trade ang paglagda ng Pilipinas sa Free Trade Agreement sa Australia at New Zealand.

 

 

Ayon kay Rep. Enverga magiging maganda ang prospective para sa sektor ng agrikultura sa paglagda sa nasabing kasunduan.

 

 

Lalo at maraming mga magagandang technology ang Australia na nais nilang dalhin sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Enverga sa katunayan may pinopondohan na ang Australia na mga programa sa ating bansa.

 

 

Sa kabilang dako, sa panig naman ni 1Rider Partylist Rep. Rouge Gutierrez ang paglagda sa Free Trade Agreement ay patunay na mayruon pa ring trend sa globalization na malaking bagay para lumago pa ang ekonomiya ng bansa.

 

 

Inihayag ng mambabatas na sa mga nangyayari ngayon masasabing nasa tamang direksiyon ang Pilipinas.

 

 

Ayon naman sa Malakanyang ang nasabing kasunduan ay asahang mabigyan ng magandang oportunidad para sa micro,small and medium enterprises.

Other News
  • Dynamic Learning Program, ilulunsad para sa mga klaseng nakakansela dahil sa bagyo -DepEd

    INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na ilalabas ngayong buwan ang kanilang bagong programa na Dynamic Learning Program (DLP). Naglalayon itong maiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante dahil na rin sa mga sunod-sunod na pagkakansela ng mga klase dahil sa mga bagyo.     Ang Dynamic Learning Program (DLP) ay magbibigay sa mga […]

  • TWG binuo ng DCC subcom upang pagsama-samahin ang mga panukala sa programang “balik-probinsya”

    Isang technical working group (TWG) ang binuo ng New Normal Cluster of the Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee (DCC) sa kamara para pagsasama-samahin ang limang panukala na naglalayong buuin ang Balik Probinsya Program.   Ito ay ang House Bills 6762, 7072, at 7111 na bubuo sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” Program; HB 6970 na naglalayong gawaran […]

  • ‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado na ni Marcos

    PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng paggawa.     Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy […]