• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, nagbabala vs pekeng ‘pang-baon’ posts

BINALAAN  ng Department of Education (DepEd) ang publiko hinggil sa mga post sa social media na namimigay umano ang ahensiya ng ‘pang-baon’ sa mga elementary students.

 

 

      Sa misinformation alert ng DepEd, mahigpit din nitong pinayuhan ang mga magulang at mga guardians na huwag ibigay ang school information at identification ng kanilang mga anak sa mga ganitong uri ng mapanlinlang na paskil upang hindi makumpromiso ang kanilang seguridad.

 

 

Nauna rito, kumalat ang isang pekeng post na nagsasaad na ang mga mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang Grade 6 ay pagkakalooban umano ng DepEd ng ‘pang-baon.’

 

 

Anang pekeng post, ang mga Grade 1 pupils ay bibigyan ng tig-P1,000; P2,000 sa Grade 2; P2,500 sa Grade 3; P3,000 sa Grade 4; P4,000 sa Grade 5 at P5,000 sa Grade 6 pupils.

 

 

Nakasaad pa na ang requirement lamang upang makakuha ng ‘pang-baon’ ang mga mag-aaral ay school ID at ang deadline ng pagsusumite nito ay sa Marso 30, 2024.

 

 

Pinabulaanan naman ito ng DepEd, at sinabing, “The Department of Education (DepEd) warns the public about FAKE posts claiming that they give out “pang baon” for Grade 1 to 6 learners.”

Other News
  • PNP mas magiging mabusisi sa pagtatalaga ng police security escort sa mga humihiling na pulitiko

    TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mas magiging mabusisi sila sa pagtatalaga ng police security escorts sa mga humihiling na pulitiko.     Sa ngayon naghihintay na lamang ng clearance mula sa Commission on Election (COMELEC) ang lahat ng kandidato sa eleksyon.     Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, napaghandaan […]

  • Pagsa-surfing ni YASSI, malaking tulong para mabalanse ang kanyang mental health

    DALAWANG taon ding hindi gumawa ng teleserye si Lauren Young dahil naging malaking issue sa kanya noon ay ang kanyang katawan.   Sa dalawang huling teleserye ni Lauren sa GMA na Hiram Na Anak at Contessa, kapansin-pansin ang paglaki ng katawan niya at nagdala raw iyon ng malaking insecurity sa kanya.   Pero ngayon ay […]

  • Ai-Ai, personal na naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga nasalanta ng bagyo

    LUMAKI sa Tuguegarao, Cagayan Valley ang singer- actor na si Geoff Taylor.   Si Geoff ang male winner ng GMA singing contest na Are You The Next Big Star noong 2009.   Ilang bagyo na raw ang dumaan sa hometown ni Geoff simula pa noong bata siya, pero nagulat siya sa nangyari ngayon sa Cagayan […]