• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC: Inutos na ihinto ang ticketing system ng mga LGUs, sundin ang single ticketing ng MMDA

PINAG-UTOS ng Supreme Court (SC) na ihinto ng mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang ticketing system at sundin ang single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Ang single ticketing system ng MMDA ay nagpapatong ng “standardized” na fines at penalties para sa mga traffic violations sa Metro Manila

 

 

 

“The Supreme Court has ordered Metro Manila Local government units (LGUs) to stop issuing their own traffic violations receipts and confiscating driver’s licenses, and instead comply with the Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) single ticketing system (STS),” ayon sa MMDA.

 

 

 

Ang kataas-taasang korte ay nag issue ng permanent injunction na nakasaad sa kanilang desisyon na may petsang July 11, 2023 na nagbabawal sa mga LGUs na magbigay ng receipts at pagsamsam ng driver’s license ng mga traffic enforcers ng LGUs. Ang nasabing desiyon ay inilathala ngayon linggo lamang.

 

 

 

Sa nasabing desisyon, ang SC ay inalis ang common provision mula sa traffic code ng 15 Metro Manila LGUs na siyang respondents sa kaso sa SC. Ang Malabon at Marikina ay hindi kasama sa orihinal na petisyon. Ang nasabing provisions ay pinapayagan ang pagbibigay ng traffic violation tickets o ordinance violation receipts.

 

 

 

“All told, the Court thus declares as invalid the common provisions in the said traffic codes or ordinances of the LGUs in Metro Manila empowering each of them to issue OVRs to erring drivers and motorists. The other provisions of the traffic codes or ordinances remain valid and unaffected by this Decision,” saas ng SC. LASACMAR

Other News
  • 3 disqualification case at 1 petisyon para sa kanselasyon ng CoC ni Marcos, ibinasura ng Comelec

    IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.     Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador.     Kabilang sa […]

  • Bulacan Expands Cervical Cancer Vaccination to Immunize 21,000 Young Females

    120 female learners ages 9 to 14 from public schools in Plaridel, Pulilan, and Bulakan successfully received the HPV vaccine as part of the local government’s efforts to guard the youth against cervical cancer.        Another significant development during the day was the official launch of the community-based availability of the HPV vaccine, […]

  • Napansin din si Juancho bilang Padre Salvi: BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa TAG Awards Chicago dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’

    HINDI pa man natatapos ang GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra ay nakakatanggap na ito ng nominasyon para sa cast. Nilabas ng TAG Awards Chicago ang kanilang nominasyon para sa iba’t ibang kategorya at nominated si Barbie Forteza for best actress at si Julie Anne San Jose as best supporting actress. Sobrang natuwa naman […]