OPISYAL nang inanunsyo ng legendary Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon na si Gary Valenciano, na kilalang-kilala din bilang Mr. Pure Energy, ang kanyang upcoming project na pinamagatang ‘Pure Energy: One Last Time’ noong Disyembre 21, 2023 sa pamamagitan ng isang simpleng post.
Marami ang na-excite sa kanyang announcement sa social media at marami rin ang nagbalik-tanaw sa kanyang mga tagahangga at
sa mga industry insiders.
Nagpasilip si Gary sa isang significant shift sa kanyang apat na dekadang karera. At mangyayari ang concert project sa SM Mall Of Asia Arena (MOA) sa darating na Abril 26 at 27.
Sa nakalipas na apat na dekada, katumbas ng pangalan ni Gary ang mga chart-topping hits, high-energy performances, at ang kanyang walang katulad na kakayahang kumunekta sa mga manonood hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.
Nabiyayaan si Gary na magtanghal sa pinakamalalaking entablado sa mundo, mula sa Luneta Grandstand kung saan humigit 500,000 ang nanood hanggang sa Tamar Site na kung saan
nag-perform siya sa Hong Kong Harbor Music Festival nuong 2003.
Last year, minarkahan ni Gary ang kanyang 100th solo show sa Music Museum sa kanyang matagumpay na sold-out at 10-night concert series na Gary V: Back At The Museum.
Mula sa initial run nito na apat na shows noong Agosto 2023, dalawang beses itong na-extend, at pinapakita nito ang enduring appeal at impact ng kanyang musika at performances. Nakakuha rin siya kamakailan ng multiple standing ovations sa kanyang jam-packed North American tour.
Marami ang nag-isip na magreretiro na si Gary sa titulo ng kanyang upcoming MOA Arena na ‘Pure Energy: One Last Time’.
Nilinaw niya na hihinto siya sa mga solo shows sa malalaking venues tulad ng Arena at Big Dome, pero hindi naman mawawala ang kanyang pagmamahal sa musika at pagtatangghal.
Sa katunayan, magpe-perform pa rin naman siya sa big venues kapag may kasama siyang ibang artist.
Kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit siya mag-step back? Simple lamang ang sagot. Hindi goodbye ang ‘Pure Energy: One Last Time’. Ito ay transition. Sa kabila ng resistance mula sa kanyang team, siya ay nag-desisyon.
Mamarkahan ng concert series na ito ang huling beses na magtatangghal siya ng concert na ganito kalaki, at ito ay maganda. Gusto niyang ibalik ang biyaya sa mga mas maliit na venues at sa mga fundraisers.
Sa kanyang recent heartfelt post sa kanyang Instagram account, binahagi ni Gary: “I’m celebrating 40 years of doing what I’ve always loved most. And with gratitude in my heart for the One source of Pure Energy, I look forward to the new chapters, seasons, beginnings, and horizons that lie ahead. It’s time…Let’s Go Big…ONE LAST TIME!!!”
Marami ang umiyak at nag-protesta. May mga news channel na nagsabing ito na ang kanyang farewell show. Inulan ng mga tanong ang kanyang social media sites.
Maaaring abangan ng mga fans na manonood ng ‘Pure Energy: One Last Time’ ang isang meticulously crafted show na ihahain ang biggest hits ni Gary na talaga naman fan favorites.
With stage direction by Paolo Valenciano and musical direction by Mon Faustino, ipapakita ng concert ang multi-faceted talents ni Gary. Mapupunta ang proceeds ng concert sa Valenciano’ family advocacy, ang Shining Light Foundation.
In high demand ang tickets para sa Pure Energy: One Last Time, at para mas maging available ang tickets para sa mga fans, inayos ng SM MOA Arena team seat plan ng venue para mas marami ang makabili.
Sold out na sa SM Tickets ang lahat ng premium seats nuong unang weekend na ni-release ang tickets online.
Nagtutulungan ang Manila Genesis team, ang production and management group ni Gary sa nakalipas na 38 taon, at ang ticketing team ng SM MOA Arena, at nakikiusap sila sa mga fans sapagkat i-aadjust ang stage design at video walls para mas marami ang makapanood.
Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates, sundan ang @garyvalenciano sa Instagram at TikTok; sundan ang @GaryValenciano1 sa X; i-like ang Gary Valenciano sa Facebook; at mag-subscribe sa Gary Valenciano
Official sa YouTube at sa @garyvalenciano sa Threads.
(ROHN ROMULO)