• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sex book, bday gift ni PBBM sa anak na si Sandro

NIREGALUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander ”Sandro” Marcos, ng isang sex book na may pamagat na ”Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It.”

 

 

Ang nakababatang Marcos ay nagdiwang ng kanyang ika- 30 taong kaarawan nito lamang Marso 7.

 

 

”I have my own present for you. Because you are practically a senior citi-son, I found you this guide, ‘Sex for Lazy People.’ It is in the mail. Read it well. It will help you. Happy birthday, Sandro,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang kamakailan lamang na vlog.

 

 

Pinayuhan din ng Pangulo ang kanyang anak at iba pa na 30 taong gulang na ”learn to slow down when you must.”

 

 

”Listen to your body. Don’t burn the candle at both ends too much,” ayon payo ng Chief Executive.

 

 

Pinayuhan din niya ang batang Marcos na huwag ikompromiso ang ilang prinsipyo gaya ng Panginoon, kanyang pamilya at bansa.

 

 

Para naman kay Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos, ang birthday gift nito sa kanyang anak ay isa ring libro na may pamagat na “Be More Taylor: Fearless Advice on Following Your Dreams and Finding Your Voice.”

 

 

Pinayuhan din niya ang kanyang anak na palaging bigyan ng importansiya ang kahalagahan ng pamilya at palaging humingi ng paumanhin sa lahat ng oras. (Daris Jose)

Other News
  • 2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

    Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.     Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na […]

  • MICHAEL CINCO, na-imbiyerna at binanatan ang glam team ni Miss Universe Canada NOVA STEVENS sa pagkakalat ng ‘fake news’

    IMBIYERNA ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco sa pinakakalat na fake news ng glam team ni Miss Universe Canada Nova Stevens.     Sinisi ng naturang team si Cinco kaya hindi nakapasok sa Top 21 semi-finalist ang kanilang representative sa Miss Universe 2020. Pinapalabas ng Canadian team na sinabotahe raw ni Cinco […]

  • Wala namang masama kung aminin na nila: Relasyon nina MILES at ELIJAH, naging official sa Instagram

    NAGING Instagram official pala na ang relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.   Pinost ni Miles sa kanyang Instagram account ang ilang photos sa kanyang mga naging birthday celebration noong nakaraang May 1. Sa pinakahuling photo na black and white, may kayakap siyang lalake. Yun ay walang iba kundi si Elijah.   Sa IG […]