• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga ospital ng DOH, nakahanda sa mga banta ng El Niño

NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko.

 

 

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente ang mga ospital sa bansa.

 

 

Liban dito, gumagawa na rin ng mga angkop na hakbang ang Presidential Task Force on El Niño Response para matugunan ang posibleng kakapusan ng tubig at kuryente.

 

 

Nag-endorso na rin ang Health Emergency Management Bureau – Response Division ng DOH ng listahan ng health facilities na may mga isyu sa tubig at kuryente para maprayoridad sakaling magkaroon ng kakapusan.

 

 

Dagdag pa ng kalihim na kasalukuyan ng nakikipagtulungan ang DOH sa lahat ng health facilities sa buong bansa sa pag-assess ng kanilang kahandaan sa El Niño at kung paano mapapabuti pa ang kanilang estratehiya at plano kasabay ng pag-peak ng naturang weather phenomenon.

 

 

Una ng iniulat ng state weather bureau na nasa 15 probinsiya ang maaaring makaranas ng ng dry conditions habang 22 probinsiya naman ang makakaranas ng dry spell at 30 naman ang maaaring makaranas ng tagtuyot dahil sa epekto ng El Niño na inaasahang magtatagal pahanggang Mayo ng kasalukuyang taon. (Daris Jose)

Other News
  • Mag-asawang Dela Cruz papalaso sa SEA Games

    BUO na pala ang national men’s and women’s archery team na mga tutudla sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam na nakatakda saa parating na Mayo 12-23.     Gigiyahan ng mag-asawang Paul Marton at Rachelle Anne Dela Cruz ang koponang puntiryang mahigitan ang nag-iisang gold medal na nakamit ng bansa nang huling […]

  • PIOLO, puring-puri ng netizens habang may panlalait kina SAM at JOHN LLOYD sa throwback post ni ERIK

    KAALIW naman ang throwback post ni Erik Santos sa kanyang IG account na kung saan kasama niya sa photo sina John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Sam Milby at Piolo Pascual.     May caption ito ng, “ASAP ‘08 in Guam! @asapofficial #Throwback .”     OMG, ganun na pala ‘yun katagal at pansin ng netizens […]

  • COMELEC AT E-MONEY TRANSFER WALA PANG KASUNDUAN

    SINABI ng Commission on Elections (Comelec)  nitong  Peb. 8, na wala pang konkretong kasunduan sa mga e-money transfer companies para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto.     Gayunman, sinabi ni  Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang  poll body ay sinusubukang gawin ang isang bagay sa usaping ito.     “Wala pa […]