Mag-ina binaril sa ulo ng jail officer bago nagpakamatay din
- Published on March 15, 2024
- by @peoplesbalita
NASAWI ang 55-anyos na ginang at ang dalaga niyang anak matapos barilin sila sa ulo ng jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Lanie” at ang jail officer na si alyas “Mhel”, residente ng Calderon St. Sta Lucia, Novaliches, Quezon City habang naisugod pa sa Valenzuela City Medical Center ang 27-anyos na si alyas “Mary” subalit, namatay din habang nilalapatan ng lunas.
Sa isinumiteng ulat ina P/EMS Felix Viernes at P/SSg Regor Germedia kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ina at ng suspek na may kaugnayan sa pagkakaroon ng relasyon ng lalaki sa isa pang anak na babae ng ginang na si alyas “Bernadette”.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, nagpumilit ang suspek na pumasok sa bahay ng mag-ina sa Navarrette St., Brgy. Arkong Bato subalit, pinigilan siya ng mga biktima na dahilan para sila barilin sa ulo ni “Mhel”.
Matapos ang pamamaril sa mag-ina, nagpasiya namang magbaril din sa kanyang sarili si “Mhel” na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.
Agad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ni Polo Police Sub-Station-5 Commander P/Cpt. Robin Santos na silang tumawag sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) na nagdeklarang patay na ang ginang at ang suspek at sila ring nagdala kay “Mary” sa pagamutan. (Richard Mesa)
-
Ads December 3, 2024
-
Ads July 1, 2021
-
College graduates, hindi lang para kumita kundi para mabuhay ng matagal- Recto
SINABI ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang ‘college diploma’ ay hindi lamang isang piraso ng papel dahil maaari itong makadagdag ng pitong taon sa pag-asang mabuhay. Aniya, nakatutulong ang higher education na mapahusay ang mahabang buhay at overall well-being at karagdagan sa financial rewards nito. Sa kamakailan lamang na naging talumpati ni Recto […]