• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-live-in partner na ‘tulak’ isinelda sa P170K droga sa Valenzuela

MAGKASAMA hanggang sa kulungan ang isang mag-live-partner matapos makuhanan ng mahigit P170K halaga ng droga nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas ‘Jericho’, 22 at alyas ‘Mica’, 29, kapwa ng Santos Compound, Bukid St., Brgy. Malinta.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Major Rivera na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng magpartner kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Regie Pobadora ang buy bust operation kontra sa mga suspek, katuwang ang Malinta Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt. Doddie Aguirre.

 

 

Matapos tanggapin ni ‘Jericho’ ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama si ‘Mica’ dakong alas-9:00 ng gabi sa labas ng kanilang bahay.

 

 

Ani DDEU investigator PSSg Elouiza Andrea Dizon, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu, 5 grams ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P170,600, buy bust money at isang timbangan.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang DDEU sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Pogi’, kasabwat laglag sa P100K shabu sa Malabon

    DALAWANG drug suspects, kabilang ang 55-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Martes ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Pogi, 49, construction worker at alyas […]

  • DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF

    KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption  mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung  emergency o humanitarian reasons.       Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry […]

  • Pagpupuslit ng P20 milyong halaga ng sibuyas, nahadlangan ng BOC

    DALAWANG containers ng mga puslit na sibuyas, na idineklarang tinapay at mga pastries, ang na-impound ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.     Nabatid na Disyembre 21, 2022 nang suriin ng mga personnel mula sa BOC, Department of Agriculture (DA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang […]