• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot na nasita sa paninigarilyo, buking sa P170K shabu

SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects matapos mabisto ang dala nilang nasa P170K halaga ng ilegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa pagyoyosi sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa kahabaan ng 1st Avenue Brgy., 120, dakong alas-4:40 ng hapon nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nakatambay habang naninigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan sila ng mga pulis para isyuhan ng ordinace violation receipt (OVR) ay bigla na lamang kumaripas ng takbo ang dalawa sa kabila ng utos sa kanila na huwag tumakbo kaya hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Dugong’ at ‘Bubong’ ang limang plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 25 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00 na naging dahilan upang bitbitin sila ng pulisya sa selda.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek bilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na ‘Aggressive and Honest Law Enforcement Operations’.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 KABABAIHAN SA HUMAN TRAFFICKING HINATULAN NG HABANGBUHAY

    HINATULAN  na ng korte ang dalawang  kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking.     Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta.Cruz, Laguna Family Court Branch 6 .     Taong 2019 nang maaresto ng […]

  • Sec.Roque, ibinala ni Pangulong Duterte sa ‘debate’ laban kay Carpio

    SA HALIP na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kumasa sa debate na tinanggap ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ay si Presidential Spokeperson Harry Roque ang makakaharap nito.   Sinabi ni Sec. Roque na itinalaga siya ni Pangulong Duterte na siyang makipag-debate kay Carpio.   ” Pero tuloy po ang debate. eh, ang […]

  • Clarkson lalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

    MAS  malakas na koponan ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan.     Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach at Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Chot Reyes kung saan malaki aniya ang posibilidad na maglaro si Filipino-American Jordan Clarkson. […]