• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaasa ang Kamara na maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na mag-aamyenda sa restrictive economic provisions sa 1987 Constitution

AYON kay House Deputy Majority Leader Janette Garin, posibleng maipasa ang Resolution of Both Houses No. 7 bago ang magbakasyon para sa Mahal na Araw sa Marso 22 maliban lang kung may magsusulong na ibalik ito sa debate.

 

 

Inaasahan na tatalakayin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panukala sa susunod na mga araw.

 

 

Kung maaprubahan ng kamara ang resolusyon sa susunod na linggo, sinabi ni Garin na inaasahan din niya na aaksyunan din ito agad ng senado.

 

 

Una nang inaprubahan ng kamara sa ikawalang pagbasa sa pamamagitan ng viva voce na boto ang RBH 7 o “A Resolution of Both Houses of Congress Proposing Amendments to Certain Economic Provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Particularly on Articles Xll, XlV, and XVl.”

 

 

Ang RBH No. 7 ay halos kahalintulad ng RBH No. 6, na isinulong nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Loren Legarda at Juan Edgardo Angara.

 

 

Sa panukala ng dalawang kapulungan, pinababago nito ang pagbibigay ng legislative franchises at ownership ng public utilities sa Article Xll, ownership ng basic educational facilities sa Article XlV, at advertising firms sa Article XVl. (Vina de Guzman)

Other News
  • Ads July 27, 2023

  • Tulak kalaboso sa P.3M droga sa Valenzuela

    BALIK-SELDA ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si […]

  • JACLYN, interesado rin na mag-audition sa Walt Disney Studios para sa hinahanap na Filipino lola

    INTERESADO rin pala si Kapuso actress Jaclyn Jose na mag-audition para sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng project na gagawin nila.    Sa interview kay Jaclyn last Tuesday evening sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, naikuwento niya na gusto niyang mag-try     “Nang malaman […]