• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug suspect kalaboso sa P115K droga sa Caloocan

BINITBIT sa selda ang isang drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na habang nagsasagawa ng foot patrol ang  mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Brgy., 175, Camarin nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nakatayo habang nag-uusap, dakong alas-11:50 ng gabi.
Kalaunan, nakita ng mga pulis na may iniabot ang isang lalaki sa kanyang kausap na isang medium transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya nilapitan nila ang mga ito.
Gayunman, nang mapansin ng dalawang lalaki ang presensya ng mga pulis ay kumaripas ng takbo ang mga ito patungong Robes, Brgy. 175 kaya hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner at maaresto ang suspek na si alyas “Kabeb” habang nakatakas naman ang nag-abot sa kanya ng droga.
Nakumpiska sa naarestong suspek ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng aabot 17 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P115, 600.00.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa article 151 of RPC at Section 11 of Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)
Other News
  • Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG

    SINALUBONG ng malakihang-pagtaas sa presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Pebrero.     Ito’y isang araw lamang matapos na magpatupad din ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.     Ayon sa Petron at Phoenix, nagpatupad sila ng P11.20 na taas-presyo sa kada […]

  • Para tulungan ang nano trade of vendors, vulcanizers: PBBM, nagpasaklolo sa ASEAN

    NAGPASAKLOLO na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga  lider ng komersiyo sa rehiyon na suportahan ang mga nano business gaya ng “dispatch riders, repairers, market men and women” at iba pa sa kahalintulad na kalakalan.     Sa naging interbensyon ng Pangulo sa ASEAN […]

  • Sa mga business ventures niya: YSABEL, naa-appreciate ang walang humpay na suporta ni MIGUEL

    ISA si Ysabel Ortega na marunong mag-invest sa negosyo upang mas mapalago pa ang kinikita sa pag-aartista. Hindi pa natatagalan noong nagbukas ng sarili nilang branch ng NAILANDIA nail salon and spa sa Il Terrazo, sina Ysabel, Sophia Senoron at Elle Villanueva, heto at nagbukas naman si Ysabel ng bakeshop na kasosyo ang ina niyang […]