Valenzuela LGU nagbigay ng dagdag na 25 bagong dump trucks sa WMD
- Published on March 19, 2024
- by @peoplesbalita
SA matatag na pangako na pahusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Pamilyang Valenzuelano at pagpapanatili ng kalinisan, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang blessing at turnover ceremony ng 25 bagong dump trucks para sa Waste Management Division (WMD) na ginanap sa 3S Center Mapulang Lupa, Lunes ng umaga.
Ang pananaw ni Mayor WES na ibahin ang anyo ng Valenzuela sa isang maunlad at buhay na komunidad ay higit na ipinakita sa pamamagitan ng pagkuha ng mga dump truck na bawat isa ay nagkakahalaga ng P1,973,684.21.
Ang WMB ay nayroon na ngayon 63 dump trucks na makakapaghatid ng mas maagap na mga serbisyo sa pangongolekta ng basura na tumutugon sa mga pangangailangan ng Pamilyang Valenzuelano.
Sa flag-raising ceremony noong March 4 na ginanap sa Action Center, Brgy. Dalandanan, inanunsyo ni Mayor Wes ang pagtaas ng salary, hazard pay at PhilHealth coverage ng mga dump truck driver, paleros, at kamineros dahil para sa kanya, kapakanan ng mga manggagawa ng Valenzuela angn inuuna.
“Tuloy ang Malinis na Valenzuela, Tuloy ang Progreso, yan po ang objective natin. Noong november ay nagturn-over na po tayo ng 38 na dump truks, at ngayon ay ginagamit na po silang lahat. Dadagdagan po natin ng 25 pang dump trucks kaya totalling na tayo ng 63 na bagong dump trucks. Wala na pong rason para hindi ma-pick up ang inyong mga basura. PhP 125 Million po ang inilaan natin dito para po maging mas efficient ang pag-kolekta natin ng basura. Maipagmamayabang po natin na hindi po tayo sumasalalay sa mga kontratista, dahil sa buong Metro Manila, tayo lang po ang nag-ooperate ng sariling waste management office. Ang higit po nating 306 na mga palero, mula ho sa salary na PhP 425.45 ay itinaas na po natin sa daily rate na PhP 522, itinaas din po natin ang kanilang hazard pay mula PhP 46.80 na ngayon ay PhP 63.80 na. Ang mga driver po natin na dating PhP 528.55 ang sweldo ay itinaas na rin po natin sa daily rate na PhP 557.91, ang kanilang hazard pay na PhP 54.08 ay PhP 73.75 na ngayon. Kaya sana ay maging motibasyon at challenge at lalong pagbutihin ang kanilang mga trabaho.” pahayag ng punong lungsod.
May mga bagong CCTV camera naman ang ikakabit sa 36 na lugar para matukoy ang mga taong labag sa batas na nagtatapon ng basura sa mga pampublikong kalye at kalsada bilang bahagi ng proyekto ni Mayor WES na “HuliCam”. (Richard Mesa)
-
Nagtampo kay Anjo dahil pinangakuan ng kasal: SHERYL, inamin ang mga nakarelasyon kasama si AGA
MARAMING pasabog ang Kapuso aktres sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday. Dere-deretsong ikinuwento ni Sheryl Cruz ang mga aktor na naging karelasyon niya. Naka-relasyon niya sina Aga Muhlach, Mandy Ochoa, Zoren Legaspi at Anjo Yllana. “Actually I call him Ariel (real name ni Aga) during the time that we were […]
-
Ads January 9, 2023
-
Ads March 2, 2022