• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City

PINAKIKILOS na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o ­whooping cough sa lungsod.

 

 

Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat na ang nasawi.

 

 

Ayon naman kay QC Epidemiology and Surveillance Dept Chief Dr. Rolly Cruz, kadalasang biktima ng sakit na ito sa lungsod ay mga sanggol na wala pang anim na buwang gulang. Aniya, ang pagsirit sa kaso ng pertussis ay dulot ng kawalan nang bakuna ng mga sanggol.

 

 

Sa kasalukuyan, 14 brgy na ang apektado ng pertussis sa QC kung saan pinakamarami ang kaso sa Brgy. Payatas B.

 

 

Gayunman, tiniyak ni Belmonte na walang dapat ikabahala ang mga residente dahil nakatutok na ang pamahalaang lungsod para agad na matugunan ang sitwasyong ito.

 

 

Kabilang sa hakbang ng LGU ay ang pinaigting na surveillance, at contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Plano na rin ng pamahalaang lungsod na bumili ng sariling Pentavelant Vaccine panlaban sa kumakalat na pertussis.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng LGU ang mga residente na sundin ang tamang respiratory hygiene lalo na kapag umuubo, at ugaliin pa rin ang tamang pag-iingat gaya ng regular na paghuhugas ng kamay.

 

 

Para sa mga may anak na sanggol pa, iwasan munang dalhin ito sa matataong lugar.

 

 

Hinikayat din ang mga may sintomas ng ubo na agad magpakonsulta sa pinakalamalapit na health center, magsuot ng face mask at huwag munang lumapit sa mga sanggol.

Other News
  • Barko ng Pinas, China nagbanggaan 4 sugatan

    APAT katao ang sugatan nang bombahin ng tubig ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang bangka ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, kamakalawa ng umaga.     Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), nabasag ang windshield ng Unaizah May 4 […]

  • Future elections sa bansa, hindi masisira ng karahasan

    UMAASA ang Malakanyang na ang future elections sa bansa ay hindi masisira ng karahasan.   Kasalukuyang hinihintay ng Malakanyang at ng buong mundo kung sino kina incumbent US President Donald Trump at Democratic challenger Joe Biden ang mananalo sa White House.   “Sana po matutunan din natin na magkaroon ng eleksyon na walang nasasaktan, walang […]

  • Kakaibang poster ng inaabangang teleserye nina JODI, pinanggigilan ng netizens

    MARAMI ang nagandahan sa pinost na poster ng Dreamscape Entertainment sa kanilang IG account bukod pa trailer na unang nilabas.     May caption ito na, “Itataas na natin ang gigil level ngayong 2022!     “#TheBrokenMarriageVow starring Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla and Jodi Sta. Maria. Directed by Connie Macatuno and Andoy Ranay. Simula […]