• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON

ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.

 

 

Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong alas-7:06 ng umaga.

 

 

Sa pahayag ng tiyuhin ng biktima na si Candido Manalang, may-ari ng bahay na pinagmulan ng apoy, nalaman na lang niya sa isa pa niyang batang pamangkin na nagliliyab ang nakabukas nilang bentilador matapos magtatakbong lumabas ng bahay ang bata.

 

 

May hinala naman ang Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) na pagkakalanghap ng makapal na usok ang ikinasawi ng dalaga na mahimbing ang pagkakatulog nang sumiklab ang sunog.

 

 

Ayon kay Malabon BFP F/Insp.  Michael Jacinto, nagawa nilang makontrol ang sunog na umabot ng ikalawang alarma dakong alas-7:57 hanggang tuluyang maapula ng alas-8:12 ng umaga.

 

 

Pitong bahay ang tinupok ng apoy at siyam na pamilya ang naapektuhan na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Barangay Tugatog habang hindi pa batid ng Malabon BFP ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog. (Richard Mesa)

Other News
  • Hanga sa pagiging versatile actor… RHIAN, matagal na palang gustong makasama sa movie si PAOLO

    ANG bagong Marikit Artist Management na ang nangangalaga sa showbiz career ng young actress na si Barbara Miguel.   Pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency dahil wala na nga si Barbara sa GMA, paano kung may makukuha si Joseph na […]

  • Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi.     Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang hene­rasyon ng COVID-19 vaccines na target […]

  • PBBM, target na makapagpatayo ng karagdagang 179 specialty centers bago matapos ang termino

    TARGET ng gobyerno ng Marcos na makapagpatayo ng karagdagang 179 medical specialty centers bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Sa nasabing bilang, 7 rito ay ilalaan para sa lung care centers sa pamamagitan ng Regional Specialty Center Act.     “By 2028, we aim to establish an additional 179 […]