• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iiwasan na lang kung sakaling nagkita sila… CLAUDINE, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si JODI sa tribute para kay Mr. M

ITINANGGI ni Claudine Barretto ang isyung siya raw ang dahilan kung bakit wala si Jodi Sta.Maria sa ginanap na tribute para kay Mr. Johnny Manahan.

 

Paliwanag ni Claudine na wala raw talaga siyang kinalaman sa hindi pagsipot ng kapwa niya mga alaga dati ni Mr. M. Ayon pa rin sa aktres na kilalang very vocal, ay wala raw naman siyang kapangyarihan na magbabawal sa sinumang imbitado sa naturang okasyon.

 

Na kung saan pinagsama-sama ng Star Magic ang lahat ng mga talents na may malaking bahagi sa dati nilang mentor.

 

Dagdag paliwanag pa niya na baka naman daw may mahalagang appointment si Jodi nang araw na yun kung kaya hindi nakasipot ang magaling na aktres.

 

Matatandaang kay Claudine na rin nanggaling na may sama ng loob talaga siya kay Jodi. At may mga nasabi pa nga si Claudine against kay Jodi at sa dating asawang si Raymart Santiago na kung saan may isyu sa dalawa.

 

Ayon pa rin sa aktres na kung sakalıng dumating nga si Jodi sa nabanggit na okasyon ay malamang daw na iiwasan niya ito. “Alam naman nila na pranka akong tao. Totoo ako at Hindi ko tinatago ang anumang nararamdaman ko. Kumbaga paggalit, galit talaga,” sey pa ni Claudine.

 

***

 

UMANI ng iba’t-ibang reaksiyon at mga negatibong komento mula sa mga netizen ang Kamakailan lamang ginawang pagpapalit ng gamit na mikropono ni Bayambang Pangasinan Mayor at dating aktres na si Mayor Niña Jose-Quiambao. Nangyari Ito sa isang okasyon kung saan nagtalumpati ang dating aktres pero may kakaibang naamoy daw siya sa gamit gamit niyang mikropono. Pinapanood sa amin ang nasabing video at malinaw na malinaw ang pagkasabi ni Mayora Niña.

 

“Poca, can I change the mic? There’s bad breath here,” sey pa niya. “Sorry mabaho talaga ang mic. Sorry I can’t, ang baho, It’s amoy maaşim,“ dagdag pa niya. Binanggit pa rin naman ni Mayora Niña ayaw daw niyang magkaroon ng halitosis.

 

Pinilit naming makontak si Mayor Jose-Quiambao at kung sinuman sa mga staff niya sa pamamagitan ng iniwang telepono pero kagaya rin ng mga nauna naming pagpupumilit na makausap ang Mayora ng Bayambang, Pangasinan ay wala kaming nakausap. Pero sa totoo lang din nagpakatotoo lang din naman si Mayora Niña pero ang bukod tanging pagkakamali niya ay isina publiko pa niya ang hinaing niya. Pwede rin lang naman ibinulong na lang niya sa mga staff niya at ang mga ito na ang gumawa ng paraan, huh!

Other News
  • Grizzlies nasungkit ang panalo laban sa Mavericks

    Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.       Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at  umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag […]

  • Obrero dedbol sa pamamaril ng 2 kalugar sa Malabon

    TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 40-anyos na construction worker matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang kalugar na kanyang nakaalitan sa Malabon City.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Cresencio Casas, ng No. 5 Atis Rd San Miguel Brgy. Potrero.     Tinutugis naman ng […]

  • Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa […]