Proud na proud din ang bf na si Ruru… BIANCA, honored na kasama ang movie nila ni NORA sa filmfest sa Nagoya
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
IPALALABAS sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo ang Pinoy horror movie na “Mananambal,” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor.
Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa nasabing film festival na gagawin sa Nagoya sa May 25 at 26, 2024.
“Honored to be given this opportunity and to experience this side by side with our National Artist, the one and the only Ms. Nora Aunor,” caption ng Sparkle actress.
Ang “mananambal” ay tinatawag ding mga “manggagamot” sa tradisyonal na paraan at may kakayahan din umano na manakit.
Ang pelikula ay sa direksyon ni Adolfo Alix Jr. at kasama rin sina EA Guzman at Kelvin Miranda.
Binati naman si Bianca ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid sa bago nitong pelikula.
“Congratulations sa aking Mahal! Alam ko kung gaano mo ito pinaghandaan at pinagpaguran, kaya sigurado akong magtatagumpay ka at ang lahat ng bumubuo ng pelikula na ito,” caption ng ‘Black Rider’ star sa IG post nito.
***
MATAPOS aminin noong nakaraang taon na hiwalay na sila ni Pancho Magno, in love na kaya ngayon si Max Collins?
Mabilis na sagot ni Max ay “no” pero may mga nagpaparamdam daw sa kanya na mga boys at panay tanggi raw nito na makipag-date.
In fact, yung huling guy na tinanong siya kung libre ba itong makipag-date, sinagot ito ni Max ng “hindi”.
Rason ni Max kung bakit tine-turn down niya ang makipag-date, sagot nito na mas gusto raw niyang unahin ang sarili niyang kaligayahan.
“I finally learned that I should love myself first,” pag-amin ni Max na wala pa raw siya sa stage na gusto niyang makipagrelasyon ulit.
Kasama si Max sa cast ng ‘My Guardian Alien’ na bida sina Gabby Concepcion at Marian Rivera.
***
PUMANAW na sa edad na 87 ang Hollywood actor na si Lou Gossett, Jr. sa Santa Monica, California noong March 28.
Kilala si Lou bilang first black actor na manalo ng Oscar Award for Best Supporting Actor para sa 1983 film na ‘An Officer And A Gentleman.’
Taong 1953 noong nagsimula sa pag-arte si Lou sa edad na 16 via the Broadway play ‘Take A Giant Step.’ Sumikat siya dahil sa paglabas niya sa film version ng ‘A Raisin In The Sun’ noong 1961. In 1977, nakasama si Lou sa cast ng groundbreaking mini-series na Roots.
Huling napanood si Lou sa remake ng pelikulang ‘The Color Purple’ noong 2023.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ads March 19, 2024
-
Progreso Village, itatayo sa Valenzuela
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase 1 ng Progreso Village, isang pangunahing proyekto sa pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang flagship initiative, na idineklara sa ilalim ng Executive […]
-
Aminadong gumaan ang pakiramdam: POKWANG, masaya na lilisanin na ng dating asawa na si LEE ang ‘Pinas
MASAYANG ikinuwento ng Kapuso aktres at komedyanang si Pokwang na tuloy na tuloy na raw na lilisanin na ng dating asawang si Lee 0’ Brian. Sey pa ni Ms. P. na sa wakas daw ay lalayasin na ng ama ng anak niya ang bansang Pilipinas. “Well, at least gumaan ang loob ko at I’m so […]