• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief

PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024.

 

 

“Police Major General Rommel Francisco Marbil is designated as the chief, Philippine National Police effective April 1, 2024 by the direction of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” ang nakasaad sa appointment paper ni Marbil.

 

 

Si Marbil ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1991.

 

 

Ang pagkakatalaga kay Marbil ay inanunsyo sa isinagawang change of command at retirement honors para kay Acorda sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.

 

 

Bago pa ang kanyang appointment bilang PNP Chief, si Marbil ay naging pinuno ng Directorate for Comptrollership at nagsilbi bilang Regional Director of the Police Regional Office 8 (PRO-8), at Director of the Highway Patrol Group (HPG), bukod sa iba pa.  (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nagbigay ng regalo, tulong sa mga vulnerable Pinoy bilang maagang Pamasko

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng regalo at tulong sa mga bata, pamilya at indigenous peoples sa Rizal Park, Manila bilang maagang pamasko.     “Sa ating mga beneficiary, Merry Christmas! Alam ninyo po, lagi kong sinasabi paulit-ulit, eh kako ‘yung Pasko, parang ‘yung Pilipino akala natin tayo nag-imbento ng Pasko eh, kung magcelebrate […]

  • Ads July 16, 2020

  • Walang makatatalo sa eksena sa totoong buhay: BEA, iba’t-ibang emosyon ang naramdaman nang mag-propose na si DOM

    MARAMING nagulat sa engagement announcement nina Kapuso actress Bea Alonzo at boyfriend Dominic Roque, dahil kamakailan lamang ay nagsabi si Bea sa kanyang vlog na hindi pa sila magpapakasal ni Dom.       Pero last Wednesday evening nga ay sabay na nag-post ng proposal ni Dom kay Bea habang nagpi-pictorial ito sa Las Casas:   […]