• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB

ITINIGIL na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero.

 

 

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang TWG ng rekomendasyon sa Kongreso ngayong Mayo hinggil sa kalalagayan ng MC taxi service kaya itinigil na nila ang pagdaragdag ng bilang ng mga MC Taxi operators na kasali sa pilot study.

 

 

“Magsa-submit na ang TWG ng recommendation sa Kongreso ngayong Mayo nang resulta ng aming ginawa… ” sabi ni Guadiz. Anya, ang desisyon ng Kongreso ang susundin ng LTFRB hinggil sa magi­ging kalagayan ng mga MC Taxi service sa bansa.

 

 

Nilinaw ni Guadiz na ang MC Taxi ay sagot sa problema ng pagkalat ng mga habal-habal na mga motorsiklo na nagsasakay ng pasahero ng walang permiso mula sa LTFRB.

 

 

Ang MC Taxi service anya ay trained ang mga driver at mayroon ding insurance ang mga pasahero nito. Sagot anya ito sa matinding daloy ng trapiko. Sa ngayon anya ay may 51,000 slots ng MC Taxi sa Metro Manila at hindi na ito madaragdagan pa.

Other News
  • Panawagan ng Pag-IBIG , mag-avail ng penalty condonation

    NANAWAGAN ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund  sa mga employers na  mayroong  unremitted contributions para  sa kanilang mga empleyado na mag-avail ng penalty condonation program ng ahensiya.     Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG na sa ilalim ng  penalty condonation program, maaaring ayusin o plantsahin  ng mga employers ang kanilang obligasyon, kapwa […]

  • CIDG at Anti-cybercrime group, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon

    NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG at Anti-Cybercrime Group sa umano’y naging paglabag ng mga pulis na humingi ng detalye at affiliation ng mga organizers at volunteers ng community pantries.   Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ronaldo Olay, na kabilang din sa pinaiimbestigahan ni PNP chief Debold Sinas ay ang […]

  • GAL Gadot’s Video Fuels Speculation That ‘Wonder Woman’ Will Appear in ’The Flash’

    WARNER Bros. and DC Films have spent the last several years working on a solo film for Ezra Miller’s Flash.     The movie finally made progress when Andy Muschietti signed on to direct Christina Hodson‘s script. The Flash will deal heavily with the concept of the multiverse as it acts as a loose adaptation of Flashpoint. It is […]