• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kulong sa baril at patalim sa Caloocan

LAGLAG sa selda ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na may dalang baril at patalim habang pagala-gala sa lansangan sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 5 sina alyas “Balong” alyas “Rudy” sa Reparo St., Brgy. 149, Bagong Barrio dahil sa pagdadala ng baril at patalim.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang cal. 9mm na may isang magazine na kargado ng dalawang bala at isang folding knife.

 

 

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang SS5 mula sa Brgy. 149 at inireport sa kanila ang hinggil sa dalawang kahina-hinalang lalaki na paikot-ikot malapit sa paligid ng Barangay Hall kung saan isa sa mga ito ay armado umano ng baril.

 

 

Kaagad rumesponde sa lugar ang mga pulis subalit, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay nagtangkang tumakas ang mga ito ngunit nagawa naman silang makorner at maaresto ng mga parak.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, BP 6 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Other News
  • Obvious naman na walang anak at hindi kasal kay Maine: ALDEN, nasagot na ang isyu kaya tathimik at ‘di na nagre-react

    OBVIOUS at very given naman na wala talagang anak at hindi kasal sina Alden Richards at Maine Mendoza.     Pero may ilang Aldub fans talaga na kung ano ang pinaghuhugutan at pinaniniwalaan ito.     Nabuhay na naman at naging maingay ang chika na ‘to dahil sa naging interview ni Maine recently sa Youtube […]

  • Natakot sa bilis ng takbo ng relasyon: JENNIFER LOPEZ, ni-reveal kung bakit ‘di natuloy ang kasal nila ni BEN AFFLECK noong 2004

    NAG-FIRST taping na ang award-winning child actor na si Euwenn Mikael para sa kanyang first TV lead role sa upcoming inspirational drama series ng GMA na ‘Forever Young’.     Sa Instagram, ipinakita ni Euwenn ang ilang behind-the-scenes photos na kuha sa unang araw ng taping niya.     Kuwento ito ni Rambo, isang 25-year-old na […]

  • Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

    Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]