• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapanganib na init ibinabala ng PAGASA

MAY dalawang lugar din ang tatamaan ng hanggang 42°C heat index kabilang ang Pili sa Camarines Sur, at Zamboanga City.

 

 

Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot din sa hanggang 40°C ang alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’.

 

 

Ayon sa PAGASA, kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat index, posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

 

 

Nagbabala rin ang PAGASA sa exhaustion o sobrang fatigue, matinding pagpapawis, pagkahilo, panghihina ng katawan na may mabilis na tibok ng pulso, pagkahilo at pagsusuka.

 

 

Pinapayuhan din ang publiko na hangga’t maari ay iwasan ang paglabas ng bahay, uminom ng maraming tubig, iwasan na muna ang pag-inom ng soda, kape, tea at maging ng alak. Kung hindi maiiwasan at lalabas ng bahay ay magdala ng payong, sombrero at iba pang proteksiyon sa matinding init ng panahon.

 

 

Sa pinakahuling heat index bulletin ng state weather bureau na PAGASA, nabatid na apat na lugar sa bansa ang kasalukuyang nakakapagtala ng labis na init ng panahon na nasa 42 hanggang 51 degrees Celcius, na ikinukonsidera nang mapanganib o nasa ilalim ng “danger” classification.

Other News
  • PULONG BALITAAN UKOL SA GAMBLING ADDICTION, SINIMULAN NGAYON SA QUEZON CITY

    SINIMULAN ngayon sa Quezon City ang kauna-unahang pulong balitaan para sa adiksyon sa pagsusugal. Layon ng kumperensya na suriin at talakayin ang epekto ng pagka-adik sa sugal lalo na sa mga pamilya ng mga biktima. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang game of chance o pagsusugal gaya ng […]

  • DFA binulabog ng bomb threat

    NAUWI sa tensyon ang pagbubukas pa lamang ng mga tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) nang mabulabog sa natanggap na bomb threat, sa Pasay City, kahapon ng umaga.     Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA.   Natanggap ang ulat alas-7:00 ng […]

  • Ads February 15, 2022