• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Komportableng damit sa mga guro at estudyante, pinayagan sa Maynila

PINAHINTULUTAN ng Division of City Schools sa Maynila na magsuot ng mga komportableng damit ang mga guro at mag-aaral ng lungsod sa pagpasok sa eskwela, bunsod na rin ng napakainit na lagay ng panahon.

 

 

Layunin umano nito na mabawasan ang init na nararamdaman ng mga guro at mga estu­d­yante habang nasa loob ng paaralan at nag-aaral.

 

 

Nakasaad sa Division Memorandum No. 123, series of 2024, na, “Teachers and students can wear more comfortable clothing aside from their regular uniforms to reduce the heat they feel while inside the schools.”

 

 

Gayunman, ang mga empleyado ng public schools ay dapat na sumunod sa mga tamang pananamit sa loob ng work place.

 

 

Alinsunod ito sa ilalim ng Civil Service Commission Memorandum Circular No. 19, Series of 2000.

 

 

Pinaalalahanan din naman nito ang mga punong guro na mayroon silang kapangyarihan upang magsuspinde ng klase o di kaya ay lumipat ng ibang learning modalities, gaya ng asynchronous classes, depende sa kanilang assessment sa sitwasyon sa kanilang mga lugar.

 

 

Paalala naman nito, ang face-to-face classes pa rin ang dapat na ma­ging default modality sa lahat ng pagkakataon, maliban na lamang sa mga itinuturing na ‘extreme cases.’ (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 9, 2023

  • Kaso ng Dengue sa Bulacan, bumaba ng 20%

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagtala ang Provincial Health Office – Public Health ng 1,395 na mga suspected Dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2021 na mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa 1,734 na kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.   Nasa edad isa hanggang 100 ang apektadong populasyon kung saan mga […]

  • PH handang makipagtulungan sa ibang bansa para sa rules-based order

    MULING  iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga regional at global partners nito para sa isang rules-based order at maituloy ang pag-uusap sa mga hindi pagkakaintindihan.     Ginawa ni Romualdez ang pahayag nitong Huwebes sa pagsimula ng ika-31 Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF), kung saan ang Pilipinas ay […]