• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lumikha ng dalawang bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang proklamasyon na naglalayong lumikha ng special economic zones sa Pasig City at Tanza, Cavite.

 

 

Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamations 512 at 513, noong Abril 1 na isinapubliko naman, araw ng Miyerkules.

 

 

Sa ilalim ng Proclamation 512, pinili ni Pangulong Marcos ang ilang sukat ng lupain na may kabuuang 123,837 square meters sa Ugong, Pasig City bilang information technology (IT) park, matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, at kikilalanin bilang Arcovia City.

 

 

Nagpalabas din ang Pangulo ng Proclamation 513, lilikha sa MetroCas Industrial Estates-Special Economic Zone sa Tanza, Cavite.

 

 

Sakop ng Proclamation 513 ang 404,141 square meters ng lupain sa Calibuyo village sa Tanza, Cavite.

 

 

Sa kabilang dako, ipinalabas naman ni Pangulong Marcos ang dalawang proklamasyon sa ilalim ng Republic Act (RA) 7916 o Special Economic Zone Act of 1995, inamiyendahan ng RA 8748, at bunsod na rin ng rekumendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

 

 

Ang RA 7916, nilagdaan upang maging ganap na batas noong Pebrero 24, 1995, naglalayong hikayatin ang economic growth sa pamamagitan ng development ng special economic zones na tinawag na “ecozones.”

 

 

Ang Special economic zones ay tinutukoy sa batas bilang “selected areas with highly developed or which have the potential to be developed into agro-industrial, Industrial tourist/recreational, commercial banking, investment and financial centers.”

 

 

Kabilang sa ecozone ay industrial estates, export processing zones, free trade zones, at tourist/recreational centers.

 

 

Ang IT parks ay hubs o sentro na ‘entitled’ sa lahat ng benepisyo na ipinagkakaloob sa special economic zones upang gawin itong mas “attractive” sa foreign investors na nais na magtayo ng kanilang business process outsourcing offices. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr ipinagpaliban sa Oct. 1 ang implementasyon ng bagong regulasyon sa toll

    IPINAGPALIBAN sa October 1 ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng bagong regulasyon tungkol sa mga toll expressways.     Ang binagong regulasyon ay nakalagay sa Joint Memorandum Circular (JCM) 2024-01 na nilagdaan nina Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor Mendoza II at Toll Regulatory Board (TRB) executive director Alvin Carullo noong August […]

  • Netizens, kinilig at hiling na sana’y pakasalan na siya: KIM, ang sweet ng birthday message para kay XIAN

    ANG sweet ng birthday message ni Kim Chiu para sa kanyang boyfriend na si Xian Lim.     Kasama ang compilation ng kanilang mga sweet photos and videos together, at may caption ang IG post ni Kim ng…   “Happy Birthday to the person who holds my ❤️. Thank you for being you and always […]

  • BOXING’S OLDEST CHAMPION “BIG GEORGE FOREMAN” IMMORTALIZED ON THE BIG SCREEN ONLY AT AYALA MALLS CINEMAS

    SPORTS and movie fans are about to score an experience of a big win punch exclusive at Ayala Malls Cinemas with the upcoming sports biopic “Big George Foreman” starting on May 10.     Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World, directed by George Tillman Jr. […]