• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 3 most wanted person ng Navotas, nakorner sa Caloocan

NALAMBAT ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang 22-anyos na lalaki na nasa top 3 most wanted person sa Navotas sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni DSUO chief PLTCOL Robert Sales ang naarestong akusado na si alyas “Badjao” ng Brgy. 28, Caloocan City na pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng DSOU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapaz, sinabi ni Lt Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado sa kaya bumuo siya ng team sa pangunguna ni P/Major Marvin Villanueva para sa gagawing pagtugis kay ‘Badjo’.

 

 

Kasama ang mga tauhan ng NPD-DID, Northern NCR Maritime Police Station at WSS ng Navotas police, agad nagsagawa ang DSOU ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng Blk. 14 Pamasawata Brgy., 28 Caloocan City.

 

 

Ani Maj. Villanueva, binitbit nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana Maria Melchora P. Lindayag-Del Rosario ng Branch 287, Navotas City noong January 30, 2024 para sa kasong Murder.

 

 

Sinabi ni Lt Col. Sales na ang pagkakaaresto sa akusado ay alinsunod sa inilitag na agenda ng Chief PNP na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”. (Richard Mesa)

Other News
  • Miller ready nang sumabak sa Beijing Winter Olympics

    HANDANG-handa na si Fil-American Asa Miller para sa kanyang ikalawang pagsabak sa Winter Olympic Games sa Beijing, China.     Lalahok si Miller, nasa kanyang ikalawang sunod na Winter Olympics appearance, sa men’s Giant Slalom sa Pebrero 13 at sa Slalom event sa Peb­rero 16.     “Talagang he dedica­ted himself full time just to […]

  • Mas mabigat na multa sa violators ng EDSA Carousel Lane

    SINIMULAN noong nakaraang Lunes ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa mga ilegal na gumagamit at dumadaan sa EDSA Carousel Lane.       Noong nakaraan Lunes ay mismong si LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ang siyang personal na namahala sa pagpapatupad […]

  • National Chess Federation iaapela ang pag-disqualified sa kanila sa 2021 FIDE Online Olympiad

    Iaapela ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-disqualified ng bansa sa 2021 FIDE Online Olympiad dahil umano sa paglabag sa patakaran ng laro.     Kasunod ito sa pagkakadiskubre na isang manlalaro nito ang lumabag sa fair play kaya buong koponan ay na-disqualified.     Nasa pangalawang overall kasi ang Pilipinas sa […]