• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pagbabalik-TV sa Kapatid network: RANDY, willing pa rin na samahan at idirek si WILLIE

SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay inilabas ni Zanjoe Marudo ang ilan sa mga larawan na kuha nila ng kanyang asawa na ngang si Ria Atayde habang nagha-honeymoon sa Balesin Island. 
   Kasama ng dalawa ang buong Atayde family na itinaon na rin para sa Holy Week vacation ng buong pamilya ng beterana at super husay na aktres na si Sylvia Sanchez.
  Ito rin daw ang first time na nakasama sa yearly family vacation ng pamilya Atayde ang Kapamilya actor, bilang opisyal na ngang asawa ni Ria.
   Sa mga larawan na ibinahagi ni Zanjoe ay kitang-kita ang sobrang kasiyahan dahil miyembro na siya ng pamilya.
  Kasama rin naman ang misis ni Cong. Arjo Atayde na si Maine Mendoza.
  Siyempre kasama rin sina Gela Atayde at ang bunso ng pamilya na si Xavi Atayde.
   Samantala ikinasal sina Zanjoe at Ria sa isang simpleng civil wedding last March 23 at nasa plano rin naman ng mag-asawa na magkaroon ng isang engrandeng church wedding soon.
***
SURE na sure na ang pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame sa pamamagitan ng Kapatid network.
  Marami ang natuwa lalo na ang mga loyal supporters ng TV host dahil mapapanood nila muli si Willie sa telebisyon na namimigay ng pera at pag-asa.
   Halos lahat na rin naman ng mga loyal staff ni Willie ang makakasama ng TV host sa pagbabalik niya at isa na rito ay ang naging direktor din naman ng show ng TV host na si Randy Santiago.
  Ayon pa sa isang interview kay Randy na walang problema raw naman sa kanya and anytime na kailangan daw siya ni Willie ay sasamahan daw niya agad ang TV host, huh!
  “Sabi ko sa kanya na sasamahan ko siya bilang kaibigan pero siyempre hindi ko na kaya yung everyday kasi may nga tour pa po ako ngayon at iba pang commitments,” paliwanag pa rin ni Randy.
  Anyway abangan na lang natin kung sinu-sino ang mga kukunin ni Willie bilang mga co host niya sa pagbabalik ng kanyang “Wowowin “.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • ERC, inatasan ni PBBM na i-reset ang NGCP rates matapos bumagsak ang Panay grid

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kaagad na i-reset ang rates ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kung saan isinisisi nito ang pagbagsak sa Panay sub-grid ang naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan.     Ang pag-reset sa rate ay naglalayong tiyakin na sumunod ang NGCP […]

  • Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM

    DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon.     “Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., […]

  • Ads October 16, 2020