PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas
- Published on April 12, 2024
- by @peoplesbalita
MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong na pagaanin ang pagkagutom at malnutrisyon sa bansa.
“The strategies that you’ve brought to us are really quite – they’re very insightful,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay WFP Executive Director Cindy McCain sa courtesy visit ng huli sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes.
Ayon sa Chief Executive, ang mga insidente ng pagkagutom at malnutrisyon sa Pilipinas ay bumuti na sa mga nakalipas taon at masasabing ang bansa ay mas mabuti na ngayon.
Winika pa ng Pangulo na lumipat na ang gobyerno ng Pilipinas mula sa pagbibigay ng food supply sa aktuwal na nutrisyon sa pamamagitan ng “Walang Gutom 2027: FoodStamp Program,” isang flagship program para tugunan ang malnutrisyon at pagkagutom.
“Food supply is for the most part, I would say sufficient. But what we’ve learned over the years is how to take care of ourselves. And again, especially for the kids,” ayon sa Pangulo.
Pinuri naman ni McCain si Pangulong Marcos at ang administrasyon nito sa pagbibigay importansiya at iprayoridad ang nutrisyon at kapakanan ng mga kabataang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba, kabilang na ang feeding programs.
“I think it’s very important that your foresight in implementing our school, feeding programs and become self-sufficient in the long run,” ang sinabi ni McCain kay Pangulong Marcos, sabay sabing “So we love that program.”
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si McCain para sa naging pagbisita nito at concern o mga alalahanin sa food program ng bansa, at ang pagtiyak ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas na isulong ang nutrisyon ng mga kabataan. (Daris Jose)
-
DSWD tatapusin ang bigayan ng ayuda sa mga rice retailers sa Sept. 14
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na matapos ang pamamahagi ng cash grants para sa mga rice retailers. Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na layon ng gobyerno na tapusin ang distribusyon ng P15,000 cash grants sa mga rice retailers […]
-
ANTHONY HOPKINS, nagpasalamat at ‘di inaasahang mananalo ulit ng Best Actor sa Oscar Awards
NAGPAABOT ng kanyang pasasalamat ang veteran actor na si Anthony Hopkins pagkatapos niyang manalo bilang best actor sa nakaraang 93rd Academy Awards or the Oscars. Nanalo si Hopkins para sa pagganap niya bilang isang grandfather na may sakit na dementia sa pelikulang The Father. Ito ang second Oscar best actor ni […]
-
PBBM, ipinag-utos sa PNP na paghusayin ang kakayahan sa komunikasyon, interoperability sa panahon ng operasyon
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na mas maging madiskarte sa pagkuha ng communications equipment para mas mapahusay pa ang interoperability nito lalo na sa panahon ng emergency at crisis situations. Sa isinagawang unang PNP Command Conference na idinaos sa Quezon City, binigyang diin ni Pangulong Marcos […]