• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di threat pag may lumilipat sa GMA: RITA, willing makipag-showdown kay ANGELINE sa kantahan

SOSOSYO na si Rita Daniela sa chain of restaurants ni Ken Chan, ang Deer Claus Steakhouse and Restaurant.

 

 

Ano ang pakiramdam ni Rita na sa unang pagkakataon ay sasabak na siya sa pagne-negosyo?

 

 

“Ah masarap sa feeling, masarap sa puso,” bulalas ni Rita.

 

 

“Di ba? Tsaka parang… parang I think it’s time na rin to take it to the next level kasi I’ve been a singer and an actress for eighteen years now, so parang maliban sa pagiging nanay what’s next for me?

 

 

“So ibibigay ko ito para sa sarili ko, I think it’s time.”

 

 

Samantala, hindi threat para kay Rita kapag may show o artist na galing sa ibang network na lumilipat sa GMA kung saan homegrown si Rita.

 

 

“Personally ha, I don’t think it’s a threat kasi it’s really actually para sa isang artista mas lalawak pa yung oportunidad mo kasi ano e, para sa akin ha, if you’re confident enough and you know what you’re capable of as an artist, you won’t ever feel that you’re threatened.

 

 

“So, me I’m not threatened kasi I know what I’m capable of as an artist, I know what I can give and alam ko at confident ako na hindi ko mapapahiya ang network ko, hindi ko mapapahiya ang mga bosses ko sa GMA kasi pag sinalang nila ako somewhere magagawa ko ng maayos ‘yung pinapagawa sa akin.”

 

 

So, puwede na silang mag-showdown sa kantahan ni Angeline Quinto na nasa bakuran ng ABS-CBN na tulad ni Rita ay mahusay na singer?

 

 

“Bakit hindi,” ang bulalas ni Rita, “if given the chance, di ba? That would be fun.”

 

 

***

 

 

TINANONG namin si Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable niyang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng ‘Running Man Philippines’ sa South Korea kamakailan.

 

 

“Yung pinakamalamig na araw namin sa Korea was negative twenty-two degrees,” bulalas ni Mikael.

 

 

“Sobrang lamig niya pero matutuwa kayo kasi nahirapan talaga kami pero masaya pa rin siya,” at natawa si Mikael.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Mikael.

 

 

“Part iyon ng challenge.

 

 

“But I think dun sa ginagawa namin sa Running Man PH mag-e-enjoy talaga yung mga Kapuso, yung mga nanonood dahil totoong nag-enjoy kami, naging pamilya talaga kaming mga runners.

 

 

“And sa tingin ko, iyon ang naihatid namin dun sa mga pinagagagawa naming mga games, mga mission, and iyon din yung feeling kong magiging parang strength ng Running Man PH, na matutuwa yung mga tao dahil natutuwa talaga kami ng totoo, so iyon.”

(ROMMEL L. GONZALES) 

Other News
  • Hugh Jackman’s Wolverine to Return in ‘Deadpool 3’, Ryan Reynolds Confirmed / Cast and Filmmakers from “AMSTERDAM” Celebrate Film’s World Premiere

    ARE you excited to see Deadpool and Wolverine together in one film? Ryan Reynolds officially announced the return of Hugh Jackman as Wolverine in his upcoming film Deadpool 3.     In a video, Reynolds made a simple announcement video– one in stark contrast to Deadpool‘s outrageous plots and sequences– where the actor teased his […]

  • 4 pres’l bets, walang balak umatras sa May 9 elections

    NAGKAKAISANG  inanunsyo nina Senator “Ping” Lacson, Senator Manny Pacquiao, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at Manila Mayor “Isko” Moreno na hindi nila iuurong ang kandidatura sa pagka-pangulo.     Pahayag ito ng apat na presidential candidates sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City, kasabay ng Easter Sunday.     […]

  • Pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportasyon, hindi na required – DOTr

    Hindi na rin mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon epektibo Nobyembre 16.     Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ang naturang hakbang sa direktiba na inisyu ng IATF at inaprubahan ng pamahalaan kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng alert level 1, […]