Suporta ng US, Japan sa interes ng Pilipinas sa WPS isang tagumpay
- Published on April 16, 2024
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si House Speaker Martin Romualdez na isang tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suportado ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay batay sa inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Marcos matapos ang makasaysayang trilateral meeting sa Washington DC, noong Huwebes.
Kinondena rin ang tatlong lider ang ginagawang panggigipit ng coast guard ng China at mga barkong pangisda nito na nanghaharas sa mga Pilipino sa WPS.
Binigyan diin ng tatlong lider na pinal at legally binding ang Arbitral Tribunal ruling sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) na nagsasabing sa Pilipinas ang WPS na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas at dapat itong kilalanin ng China.
Sa talumpati ni US President Biden sa trilateral meeting, binigyan diin nito na anumang pag-atake sa eroplano, sasakyang pandagat o sa Armed Forces of the Philippines sa South China Sea ay agad na ipatutupad ang Mutual Defense Treaty (MDT).
Umaasa rin ang pinuno ng Kamara na ang makasaysayang pagpupulong ay makatutulong upang humupa ang tensyon sa WPS para na rin sa kabutihan ng lahat ng stakeholders.
Tiniyak din ni Romualdez, ang suporta ng Kamara kay Pangulong Marcos sa kanyang pagsisikap na pangalagaan at proteksyunan ang interes ng bansa sa WPS gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific Region.
Sa Joint Vision statement, ipinahayag ng tatlong pinuno ang lumalala at paulit-ulit na panggigipit ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, sa malayang paglalakbay sa karagatan, gayundin ang paghadlang sa pagdadala ng suplay ng pangangailangan sa Second Tomas Shoal na isang mapanganib na hakbang at nagpapalala sa sitwasyon.
Binabanggit din sa pahayag ang mariing pagtutol sa anumang balak ng China na pwersahang baguhin ang status quo sa East China, sa pamamagitan ng mga hakbang na guluhin ang matagal nang pamamahala ng Japan sa Senkaku Islands.
Nananawagan din ang tatlong pinuno ng bansa sa pananatili ng kapayapaan at katatagan hanggang sa Taiwan Strait, na isang katunayan ng pandaigdigang seguridad at kasaganaan.
Kumpiyansa naman ang pinuno ng Kamara sa paninindigan ng U.S at Japan sa joint statement na patuloy na susuporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Coast Guard, kasama na rito ang pagbibigay ng Japan ng labindalawang mga barko ng Coast Guard at karagdagang limang barko sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
High trust para sa AFP , hindi ikinagulat ng Malakanyang
HINDI na ikinagulat pa ng Malakanyang ang kamakailan lamang na survey ng PUBLiCUS na nagpapakita na nakakuha ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mataas na “trust rating” mula sa 10 ahensiya ng pamahalaan. Ang katwiran ng Malakanyang, kitang-kita naman kasi kung paano gampanan ng AFP ang tungkulin nito sa panahon ng […]
-
Asawang si Vickie papayagan pa ring sumali sa ‘MUP’: JASON, inalala ang kabaitan sa kanya ni BOY noong nagsisimula pa lang sa showbiz
ISANG kilalang aktor at ngayon ay Board Member ng 2nd District ng Nuvea Ecija, nagsimula ang showbiz career ni Jason Abalos noon maging contestant ito sa ‘Star Circle National Teen Quest’ na talent search competition ng ABS-CBN noong 2004. Fast forward to February 21, 2024, naging guest si Jason at Jo Berry sa ‘Fast […]
-
Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan
HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan. Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino. Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw […]