Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO
- Published on April 17, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.
Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO ang 600,000 pang piraso ng plastic cards na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.
Aniya, ang paghahatid ng karagdagang plastic cards ay makakatugon sa backlog sa mga plastic-printed driver’s license.
Una dito, ang unang isang milyong piraso ng plastic cards ay naihatid noong Marso 25 matapos alisin ng Court of Appeals ang injunction order sa paghahatid ng natitirang hindi naideliver na plastic cards mula sa kumpanyang Banner Plastic na nanalo sa bidding para sa delivery ng plastic cards noong nakaraang taon.
Isang araw matapos maihatid ang isang milyong piraso ng plastic card, agad na naglabas ang LTO ng schedule ng renewal ng expired na driver’s license upang tuluyang makuha ng mga motorista ang kanilang plastic-printed driver’s license.
Layunin ng renewal schedule na matiyak ang maayos na pagproseso at pamamahagi ng mga plastic-printed plastic card sa lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa. (Daris Jose)
-
Nagpaunlak sa clean-up drive sa Batangas: ALDEN, nag-dive sa dagat para mangolekta ng mga plastik
MAHUSAY palang sea diver si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Tinanggap ni Alden ang invitation ng “Century Tuna’s SOS (Saving Our Seas)” campaign for a better and cleaner world, together with his co-Century Tuna Superbods, for an ocean clean up drive in Batangas last Saturday, March 25 (kaya wala siya sa “Eat Bulaga”). Ginawa ang […]
-
Ads February 16, 2021
-
PEKENG OPERATION ORDER HUWAG MANIWALA
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan hinggil sa isang pekeng operations order na kumakalat sa mga chat group sa internet. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang kumakalat na operation order na may titulong ‘checking overstaying and illegal employment in various entertainment places’ ay hindi inisyu ng BI. […]