• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Welga ng PUJs bigo

NABIGO ang mga welgista ng grupo sa transportasyon na miyembro ng public utility jeepneys (PUJs) dahil sa ginawang matinding paghahanda ng Metro Manila mayors sa nakaraang 2 araw ng welga noong Lunes at Martes.

 

 

 

Nag-welga at nag-protesta ang mga drivers at operators ng PUJs dahil sa kanilang masidhing pagtutol sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

Ang Metro Manila Council (MMC) ay naglatag ng contingency plans tulad ng pagbibigay sa mga pasahero ng transportasyon na naapektuhan ng welga noong Lunes at Martes. Nagkaron rin ng libreng sakay ang mga lokal na pamahalaan kasama na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Sinabi ni MMC president at San Juan mayor Francis Zamora na bawat lokal na pamahalaan ay naghanda ng mga sasakyan para sa mga pasahero na stranded sa daan at lansangan.

 

 

 

“We have been ready, but most of the time, we do not need to use our vehicles. There were some cases that the strike had affected transportation, so we let them used the vehicles,” wika ni Zamora.

 

 

 

Nakipagugnayan rin si Zamora sa hanay ng National Capital Region Police Officer upang magkaron ng karagdagan tauhan nang masiguro ang kaligtasan ng mga drivers na hindi sasama sa transport strike. Ayon sa kanya, noong mga nakaraang welga ay mga kaso na ang mga drivers na hindi lumahok ay ginigipit ng mga nagwewelga.

 

 

 

Samantala, pinasungalinan ng Piston at Manibela na ang ginawang welga ay bigo dahil ayon sa kanila ay lumahok din ang ibang motorcycle taxis. Ayon sa kanya ay lumahok din sa welga ang mga drivers sa Bicol, Iloilo, Cebu, Davao, General Santos, Bacolod at Baguio.

 

 

 

Parehas na pinipilit ng Piston at Manibela ang pamahalaan na ibasura ang PUVMP kung saan ang mga drivers at operators ay kinakailangan mag consolidate ng prangkisa bilang isang kooperatiba or korporasyon.

 

 

 

May 7 malalaking grupo sa transportasyon ang hindi naman lumahok sa nasabing welga at protesta ng 2 araw.

 

 

 

Samantala, noong nakaraang weekend naman ay nanawagan si Senator Imee Marcos sa pamahalaan na magkaron ng konkretong solusyon sa problema kung bakit hindi pa matuloy-tuloy ang programa.

 

 

 

Ayon sa kanya siya ay nangangamba kung saan kukunin ng bawat operator o driver ang P2.4 milyon upang makabili ng isang unit ng modern jeepney.

 

 

 

Hinikayat rin niya ang pamahalaan na magkaron ng masinsinang kunsultasyon sa mga may-ari ng PUVs, drivers, motorcycle taxi operators at pasahero kasama na rin ang mga estudyante na maapektuhan ng programa. LASACMAR

Other News
  • US global firms, nag-commit ng malaking investments sa Pilipinas

    NAGING produktibo ang pangalawang araw ng opisyal na pagbisita ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos, araw ng Martes (Wednesday Philippine time) matapos na makakuha ng  commitments o pangako mula sa American global firms  sa  panahon ng eight back-to-back meetings sa  kalahating araw pa lamang.     Bilang bahagi ng kanyang  official trip […]

  • Ngayong Semana Santa: PBBM, hinikayat ang mga katolikong bansa na maging “better agents of change”

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang mga Katolikong bansa na maging “better agents of change” sa pamamamagitan ng pagkilala pa sa mahal na Poong Hesukristo sa panahon ng paggunita ng Mahal na Araw.  Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na bagama’t ito’y mahirap na maunawaan, ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang […]

  • “Abigail” – A Ballet of Horror and Mayhem Hits Cinemas This April 17

    Experience a thrilling blend of heist and horror in “Abigail”, starring Kathryn Newton and Alisha Weir, as a vampire ballerina takes the stage in a bloody spectacle.     In an audacious blend of genres, the upcoming film “Abigail” sets the stage for an unprecedented cinematic experience. Scheduled for release on April 17, this horror-heist […]