• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60 dating drug users nagtapos sa rehab program ng Navotas

UMABOT sa 60 persons who used drugs (PWUDs) ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

 

 

Kasama sa Bidahan ang anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at isa pang anim na buwang aftercare.

 

 

Kasama sa batch ng rehab completers ang 20 mula sa primary care program ng lungsod at 13 mula sa barangay CBDRP, habang 27 ang natapos na aftercare program.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang mga kalahok ay dumaan sa isang serye ng lingguhang psychoeducation lectures, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions, at life skills training.

 

 

Sumasailalim din sila sa random drug testing upang matiyak ang kanilang pagsunod sa programa.

 

 

Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagpapasya na talikuran ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya.

 

 

“Admitting your addiction is the first step towards self-transformation. Your graduation today is just the beginning of your journey to complete healing and recovery,” ani Tiangco.

 

 

“Strive to improve and be a better version of yourselves every day. Your family will always be there to provide all the love and support you need,” dagdag n iya.

 

 

Bukod sa Bidahan, nagpapatupad din ang pamahalaang lungsod ng mga karagdagang programa para palakasin ang kampanya laban sa droga. Kabilang dito ang drug awareness at prevention lectures sa mga estudyanteng Navoteño; random at mandatory drug testing para sa mga empleyado ng city hall at barangay, mga benepisyaryo ng programa, at iba pa; at drug-clearing ng mga barangay.

 

 

Mula noong 2023, 13 sa 18 barangay sa Navotas ang idineklara nang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency. (Richard Mesa)

Other News
  • Nasabat na shabu papalo sa P6.7-B

    NASABAT  ng mga opisyal at ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tinaguriang biggest single-day haul ng droga sa bansa.     Ito ay sa pamamagitan ng sunud-sunod na operasyon ng mga otoridad mula Sabado ng hapon hanggang Linggo ng madaling araw sa Metro Manila.     Ayon kay Brig. Gen. Narciso Domingo, […]

  • Jesus; Matthew 16:24

    Take up your cross and follow me.

  • ‘P90-M na bayad sa Smartmatic, ‘hold’ muna, pending data breach issue’

    TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pababayaan ang isyu ng data breach kontra sa Smartmatic, kahit abala sila sa paghahanda sa halalan.     Matatandaang nakaladkad ang technology provider dahil dating tauhan ng kumpanya ang iniuugnay sa isyu at pasilidad pa nila ang ginamit sa paglalabas ng impormasyon.     Kaya naman […]